Once Upon A Time

Chapter 12



Chapter 12

“MAHAL ko po si Selena, sir. At mahal niya rin po ako. Please, I’m begging you. Just let us be.”

Muling nakatikim ng isang malakas na suntok sa panga si Dean mula kay Zandro Avila, ang ama ni

Selena. Pero hindi siya nagtangkang lumaban. Pinalibutan na siya ng mga bantay nito. Sa kabila niyon

ay nanatili siyang nagpapakumbaba. Buong buhay niya ay sanay na siyang hindi nakukuha ang mga

gusto ng puso niya.

He had always lived an empty life. Minsan, pakiramdam niya ay isinumpa siya ni Leonna dahil siya ang

sumasalo sa kasalanan ng kanyang mga magulang.

Kaya nang malaman ni Dean na mahal rin siya ni Selena ay saka pa lang nagsimulang maging

makulay ang buhay para sa kanya. Pero malaki ang kapalit ng mga kulay na iyon at ngayon ay

nanganganib pang mawala ang mga iyon sa kanya. At desperado na siya. Hindi pa siya nagmakaawa

ni minsan para sa isang bagay dahil alam niyang imposible namang ipagkaloob ng mundo sa kanya

ang mga gusto niya anuman ang gawin niya.

Pero nang siya ang piliin ni Selena, unti-unti ay nagkaroon siya ng pag-asa sa kabila ng mga

komplikasyon sa relasyon nila. Pero naglaho ang lahat ng pag-asang iyon nang pagkaraan ng ilang

oras na paghihintay niya kay Selena ay ang galit na galit na ama nito kasama ang mga armadong body

guards nito ang lumabas at humarap sa kanya.

Nang makita si Dean ni Zandro ay agad siya nitong nilapitan at sinuntok. Pero wala siyang kadala-dala

dahil heto at ipinipilit niya pa rin ang pagmamahal niya para kay Selena.

“Pasalamat ka at ampon ka ng mga Trevino kung hindi ay higit pa sa suntok ang aabutin ng isang tulad

mo sa akin!” Humihingal sa galit na wika pa ni Zandro. “Wala kang karapatan na ambisyunin ang anak

ko, Dean. Kaya itigil mo na ang kahibangan mong ito. Anuman ang gawin mo, matutuloy pa rin ang

kasal ng anak ko kay Adam. Sinisiguro ko iyan sa ‘yo. Kaya ngayon, magpakalayo-layo ka na dahil

baka hindi na kita matantiya ng tuluyan!”

Ilang sandaling kumuyom ang mga kamay ni Dean. Mariin niyang naipikit ang mga mata bago siya

dahan-dahang lumuhod kasabay ng kanyang pagyuko. Ilang ulit niya na bang nahiling na sana ay

nabaliktad ang mga pangyayari sa buhay niya? Sa dami ay hindi niya na mabilang. Pero nang mga

oras na iyon, noon niya pinakahiniling ang bagay na iyon.

Ilang ulit na ring pinaalalahanan si Dean ng kanyang tiya Dolores na anuman ang mangyari ay huwag

na huwag siyang yuyukod sa pamilya ng ama at sa mga kakilala nito. Matalino raw siya bukod pa roon

ay may dugo pa rin siyang Trevino. Kailangan niya pa rin daw na manindigan sa kabila ng naiibang

pagkakakilala sa kanya ng publiko. Iyon rin daw siguro ang hihilingin sa kanya ng ina sakali mang

nabigyan ito ng pagkakataon na magtapat sa kanya ng katotohanan.

Pero hayun si Dean ngayon at hindi lang basta yumukod. Nakaluhod pa siya sa sementadong daanan.

Nag-ulap ang kanyang mga mata. Kung malalaman kaya iyon ng tiya Dolores niya, kausapin pa kaya

siya nito? At kung sakaling nakikita siya ng kanyang ina, nasisiguro niyang lumuluha na ito. Sa naisip

ay nagsikip ang kanyang dibdib.

Patawarin mo ako, ‘nay. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin magawang maibangon ang sarili ko. Paulit-

ulit na lang kitang binibigo. “Nagmamakaawa po ako sa inyo, sir. Hayaan nyo na po kami ni Selena.

Gagawin ko po ang lahat para sa kanya-“

“Madali naman akong kausap, Dean. Sige, pagbibigyan kita. Pero sa isang kondisyon.”

Nag-angat ng mukha si Dean nang marinig ang sinabing iyon ng ama ni Selena. Sumibol ang pag-asa

sa puso niya. Sinalubong niya ang matiim na mga titig ng matandang lalaki. “Ano pong kondisyon?”

“Wake up the next day with a different name, with a different identity and with a different background.

And make sure you wake up better than Adam Trevino. Only then will I start to reconsider.” Ani Zandro

bago siya nito tinalikuran kasama ng mga nagtatawanang body guards nito.

Ilang minutong natigilan si Dean. Ni minsan ay hindi pa siya lumuha maliban na lang noong araw na

namatay ang kanyang ina. Pagkatapos niyon ay masyado nang naging drain ang pakiramdam niya

para lumuha pa. Pero hayun siya ngayon. Napatingala siya sa papadilim nang kalangitan. What have I

done wrong to You?

NAHINTO sa pag-iyak si Selena nang marinig niya ang mahihinang katok na iyon sa labas ng pinto ng

kanyang kwarto. Sa susunod na Linggo na ang kasal nila ni Adam. At wala na siyang kawala. Simula

nang manggaling siya sa mansyon ng mga magulang ay hindi na siya nilubayan pa ng mga body

guards niya. Parating nakabantay ang mga ito sa labas ng kanyang bahay. Ang isa na para bang hindi

pa nakuntento ay sa mismong sala niya pa nagroronda.

Hindi makalabas si Selena. Ni hindi siya makapunta sa kanyang opisina. Ang sinabi lang ng isa sa mga

bantay niya ay ang kanyang ama na raw ang bahala sa kanyang mga kliyente. Ito na raw ang

nagpaliwanag sa lahat na abala siya sa wedding preparations at matapos ang honeymoon ay saka pa

lang siya babalik sa trabaho.

Ni hindi niya makausap si Chynna. Kahit ito ay pinagbabawalan siyang kausapin. Nang dalawin siya

nito ay hinarang ito ng mga bantay niya kaya ni hindi man lang sila nagkita ganoon rin si Dean. Armado

ang mga bantay niya at laking pasasalamat niya nang hindi na magpumilit pa ang binata na makausap

siya.

Pinutol ang linya ng telepono sa bahay ni Selena kaya wala siyang matawagan. Si Adam lang ang

hinahayaang makabisita sa kanya pero hindi niya ito hinaharap sa kabila ng pakiusap nito. Wala nang

ipinagkaiba pa sa isang preso ang pakiramdam niya.

Iisang paraan na lang ang naiisip ni Selena. Ang tumanggi sa mismong araw ng kanyang kasal. Pero

binalaan na siya ng kanyang ama nang puntahan siya nito. Mapapahamak raw si Dean sa oras na may

gawin siyang labag sa kagustuhan nito. Muling napaluha si Selena sa naisip. Kung hindi lang mas

malaki ang kagustuhan niyang makita pa rin si Dean sa kabila ng mga nangyayari sa kanya,

siguradong tinakasan na siya ng katinuan.

“Ma’am Selena? Ma’am Selena?” Narinig niyang mahinang pagtawag sa kanya mula sa pinto.

Napu-frustrate na lumapit siya roon at binuksan iyon. Walang araw na hindi siya umiyak mula nang

makauwi siya sa bahay niya kasama ang mga bantay niya. Hindi siya gaanong nakakatulog. Bukod pa

roon ay hindi maganda ang pakiramdam niya. Madalas siyang nahihilo at para bang mas naging

sensitibo ang sikmura niya sa mga pagkain ngayon. May maamoy lang siya ay naduduwal na siya.

Nang dumalaw ang kanyang ina ay sinabi niya iyon rito. Binilhan siya nito ng pregnancy test kits. At

gaya ng kutob niya ay pare-parehong positive ang resulta ng mga iyon. Naghahalo ang tuwa at takot ni

Selena sa nalaman. Buntis siya. Nagbunga ang pagmamahalan nila ni Dean. Sayang nga lang at hindi

niya maibahagi ang kanyang saya sa ama ng dinadala niya. Kasabay niyon ay natatakot siya. Anong

uri ng buhay ang naghihintay para sa anak niya?

Ipinaalam ng kanyang ina sa kanyang ama ang sitwasyon. Galit na galit na pinuntahan siya ng ama at

pinagbantaan na huwag na huwag ipapaalam sa lahat ang tungkol sa bata. At dala siguro ng matindi

pa ring galit nito ay inutusan pa siya nitong ipalaglag iyon at sa kauna-unahang pagkakataon ay

lumuluhang lumuhod siya sa ama at kumapit sa pantalon nito sa takot na totohanin nito ang mga

sinabi.

Baka tuluyan nang mabaliw si Selena kung pati ang anak niya ay mawawala pa sa kanya lalo pa at

hindi niya na nga makakasama pa ang ama nito. Hindi niya pa man nakikita ang anak ay mahal niya na

iyon. Matapos niyon ay hindi na nagsalita pa ang kanyang ama. Hindi niya alam kung ano ang ibig

sabihin ng pananahimik nito. Hanggang ngayon ay nag-aalala pa rin siya na baka anumang oras ay

gumawa ito ng hakbang para alisin ang bunga raw ng pagiging suwail niya. Sa ngayon ay magli-limang

linggo na ang bata sa sinapupunan niya.

Ilang ulit na ring pinakiusapan ni Selena ang ina na tulungan siya pero nananatiling mahina ang loob

nito. May mga pagkakataon na kahit sa sariling ina ay gusto niya na ring maghinanakit. Aanhin niya Content © copyrighted by NôvelDrama.Org.

ang simpatya nito? Ang tulong nito ang kailangan niya. Bakit ba hindi nito magawang maging

matapang kahit minsan para sa sarili nitong anak? Ayaw niyang matulad sa mga magulang ang

pagsasama na ni minsan ay hindi nagmahalan.

Sa pagbukas ni Selena ng pinto ay bumungad sa kanya si Domingo. Sa lahat ng para bang mga

bouncer sa laki ng pangangatawan na mga bantay niya ay si Domingo lang ang pinakakilala niya.

Nagkakilala na sila bago pa man ito naging tauhan ng kanyang ama. Nagbo-volunteer siya noon hindi

lang sa charity kundi pati na rin sa iba’t ibang ospital. Doon niya nakilala ang panganay na anak ni

Domingo. May kidney problem ang bata noon at iyon ang isa sa limang mga batang napili niyang

tulungan. Sinagot niya ang lahat ng hospital bills ng mga iyon.

Ibinigay rin ni Selena ang tarheta niya sa mga magulang ng mga bata sakali mang kailanganin pa ng

tulong niya. Ang tatlo sa mga ina ng mga batang iyon ay nagawa niya pang ipasok bilang mga

mananahi sa kanyang shop kabilang na ang asawa ni Domingo.

Noon ay driver cum body guard rin si Domingo ng isang mayamang Intsik pero tinanggal ito sa trabaho

mula nang ilang araw na sunod-sunod itong hindi nakapasok para asikasuhin ang may sakit na anak.

Kaya matapos maipagamot ang bata ay inudyukan ni Selena si Domingo na pumasok bilang isa sa

mga tauhan ng kanyang ama lalo pa at di hamak na mas mataas na magpasweldo ang huli. Lahat ng

pagtulong niya ay palihim niyang ginagawa. Si Dean lang ang nakakaalam niyon dahil ang binata ang

siyang mas nakakasama niya noon sa halip na si Adam.

Sa tuwing hindi natutuloy ang mga lakad nila ni Adam ay sa mga orphanage o ospital siya tumutuloy.

Nagboboluntaryo si Dean na samahan siya. Kahit ito ay nagbibigay ng tulong pinansyal sa iba pang

pamilya roon. Dalawang taon na simula nang matanggap si Domingo bilang isa sa mga body guards

ng kanyang ama. Kusa itong natanggap nang subukan nitong mag-apply. Hindi ito tinulungan ni Selena

dahil ayaw niyang may masabi ang ama. Ayaw na ayaw pa man din nitong nakikipaglapit raw siya sa

kung sino lang.

Ayaw niya mang aminin, kahit ang kanyang ama ay masyado ring matayog ang tingin sa sarili hindi

kaparis ng kanyang ina na sa kabila ng yamang taglay ay nananatiling mababa ang loob.

“What is it?” Walang siglang tanong ni Selena kay Domingo. Nagiging emosyonal na nga yata siya

masyado dahil kahit kay Domingo ay sumasama ang loob niya kahit pa alam niyang hindi naman dapat

dahil sinusunod lang nito ang utos ng amo nito na nagkataong hindi siya. Wala siya sa posisyong

manumbat ng mga naitulong niya kapalit ng pagpapatakas nito sa kanya.

“Bilisan nyo po ang kilos, ma’am. Kunin nyo lang po ang mga dapat kunin sa mga gamit nyo.”

Pabulong pa ring wika ni Domingo na pasulyap-sulyap sa paligid. “Natawagan ko na po ang ibinigay na

numero ni ma’am Chynna at naghihintay na po siya sa inyo sa labas.”

Nanlaki ang mga mata ni Selena nang sa wakas ay ma-realized ang mga sinabi ni Domingo. Sumilay

ang kauna-unahang masayang ngiti sa kanyang mga labi simula nang makulong siya sa bahay niya.

Ngayon ay alam niya na kung bakit ni hindi siya kinakausap ni Domingo sa tuwing binabantayan siya.

Iyon ay para hindi sila mahalata.

Nagmamadaling dinampot ni Selena ang nakahanda nang traveling bag niya. Hindi niya man sigurado

kung makakatakas siya ay inihanda niya pa rin iyon sa nakalipas na mga araw. Mabilis na kinuha iyon

sa kanya ni Domingo pagkatapos ay walang ingay na dumaan sila sa likod-bahay. Namataan niya ang

isa pang bantay roon na walang malay. Nagtatakang nilingon niya si Domingo.

“Palihim na binigyan po ako ng inyong ina ng pampatulog noong nakaraan pang mga araw, ma’am

Selena. Pero ngayon lang po ako nakahanap ng tiyempo na gamitin iyon. Mayamaya ay kailangan ko

rin iyong inumin para hindi ako mahalata.” Ani Domingo habang mabilis na inaalalayan si Selena

palabas. “Bilin ng inyong ina na huwag nyo siyang tatawagan anuman ang mangyari.” May ibinigay ito

sa kanyang isa pang maliit na bag. “Naririyan na raw po ang ilan sa mga kakailanganin ninyo.”

Nang makarating na sila sa tapat ng isang itim na van ay agad na bumukas ang bintana sa gawi ng

driver’s seat. Mula roon ay namataan ni Selena si Lilian, ang pinsan ni Chynna na malapit rin sa kanya.

Isa itong photographer. Magkaklase rin sila nito noong elementary at high school pero naging paputol-

putol ang komunikasyon nila nang magpunta ito sa Amerika dahil bihira na lang itong umuwi sa bansa.

Puno ng pasasalamat na niyakap ni Selena si Domingo. “Maraming-maraming salamat. Hindi ko

makakalimutan ang ginawa mong ito, Domingo.”

Tumango si Domingo, may bahagyang ngiti sa mga labi. “Mabuti kayong tao, ma’am pati na rin si sir

Dean. At naniniwala ako na ginagantimpalaan ang mga mabubuti. Maaaring hindi kaagad. Pero

pasasaan ba’t darating rin iyon.” Wika nito bago siya inalalayan nang makapasok sa van.

Nang makaharap ni Selena si Lilian ay kaagad siya nitong niyakap. Alam niyang ipinadala ito ni

Chynna. Ilang sandali rin silang nasa ganoong posisyon bago nito pinaharurot na ang sasakyan

palayo.

“Thank you, Lilian. Habang-buhay kong tatanawing malaking utang na loob, ito.” Maluha-luhang wika ni

Selena.

Nilingon siya ni Lilian at nginitian. “No worries. Kaibigan kita. Last week lang ako dumating mula L.A

kaya pasensya na at ngayon lang ako nakatulong. Chynna had been nagging me for days on how we’d

help you out. Pasensya na kung na-delay. Mabuti na lang at nag-volunteer maging accomplice si

Domingo. Ako na rin pala muna ang ipinadala ni Chynna dahil siguradong siya ang pagdududahan ng

lahat na tumulong sa inyo ni Dean. Kaya siniguro naming nasa shooting siya ngayon sa Cebu. You’ll

be safe with me. Your father doesn’t know much about me.”

Napatango-tango si Selena. Ang kaalamang magkikita na sila ni Dean ang nagbibigay ng doble-

dobleng lakas sa kanya ngayon. “Saan pala tayo pupunta?”

Kinindatan siya ni Lilian. “Just trust me. I will be more than glad to be your fairy godmother for the

meantime. Tutal, matagal-tagal na ring walang adventure ang buhay ko. I’ll take you to a kingdom far,

far away. Pero may kapalit ‘to, ha?”

Kumunot ang noo ni Selena, bumalik ang kaba sa dibdib. “What?”

“Kailangang gawin mo akong ninang kapag nagkaanak na kayo ni Dean. Maghahalo ang balat sa

tinalupan kung hindi.”

Natawa na lang si Selena. Gustuhin niya mang sabihin kay Lilian ang sitwasyon ay nais niya namang

bukod sa mga magulang ay si Dean ang sumunod na makaalam ng bagay na iyon. Mayamaya ay

nahaplos niya ang pipis pang tiyan. You’re going to meet daddy soon, baby…


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.