CHAPTER 18 The Unexpected Moment
Napatingin ako kay Charlotte na halata ang pagtataka sa kanyang magandang mukha. Bahagya lamang akong ngumiti dito at pagkatapos ay inilipat ko ang aking tingin sa aking asawa na kasalukuyan ding nakatitig sa akin. Nakita ko itong bahagyang umiling sa akin. Naiintindihan ko ang ibig nitong ipahiwatig kung kaya naman unti unti akong ngumiti dito bago nagsalita.
"Ako nga po pala si Ruth, Janitress po dito sa kumpanya. " pagpapakilala ko sa aking sarili at bahagya pa akong yumuko sa kanila.
"Janitress, then what are you doing here?" Kunong noong tanong sa akin ni Charlotte na humawak pa ang isang kamay sa braso ni Shai.
"Ipinadala po kasi itong baon ni Sir Shai galing sa baba, pasensya na po " sagot ko pa dito.
"Really? Wow. Tamang tama pala ang dating ko babe. Sabay na tayong kumain. " at tatalikod na sana ito ng muli itong humarap sa akin. " oh, by the way, Babe, pwede bang habang nandito ako, siya na muna ang mag asikaso sa atin. I mean, katulad ngayon, ihanda niya muna ang baon mo para makakain na tayo" wika pa nito. Hindi ko alam kung nananadya ito. Bakit kailangan pang ako ang mag intindi dito.
"Hindi na- " magsasalita pa lamang sana si Shai nang bigla akong sumagot.
"Sige po Mam, ako na po ang bahala habang andito kayo" sagot ko kay Charlotte na ikinakunot ng noo ni Shai. Alam kong ayaw nito, pero gusto kong makita at malaman kung talagang ako na ang mahal ni Shai katulad ng sinabi niya nung nakaraan.
Nauna nang bumalik ng opisina ang dalawa habang ako naman ay nasa likuran lamang nila. Dumiretso sila sa malaking sofa na naroroon habang ako ay dumiretso sa pantry upang ihanda ang tanghalian ng dalawa. Habang abala ako sa paghahanda ng plato ay naramdaman ko na lang ang pag pulupot ng dalawang braso sa aking baywang. Gulat akong napalingon dito at tinangka ko pang tanggalin ang mga braso nito.
"Shai, ano bang ginagawa mo? Baka sumunod dito si Charlotte " mahina kong wika dito.
"Wala akong pakialam. Hindi mo sana sinabi na janitress ka dito. " sagot din nito sa mahina ding boses at pagkatapos ay masuyo akong hinalikan sa aking batok.
"Anong gusto mong sabihin ko? Totoo naman na janitor ako dito diba?" Tanong ko sa aking asawa, kay Shai. Patuloy lamang ako sa pagsasalin ng ulam sa isang lalagyan.
"But you are my Wife " sagot naman nito sa akin at ipinatong pa ang baba sa aking balikat.
"Pero hindi niya alam diba? Kailan mo sasabihin?" Tanong ko ulit dito. Naramdaman ko ang pagkalas ng mga braso nito buhat sa pagkakayapos sa akin. Humarap ako dito at nakita ko ang lungkot sa mga mata nito.
"I'm sorry my wife. Bago ako umuwi noon from Paris ay naghiwalay na kami kaya hindi ko akalain na babalik pa siya dito." Hinwakan nito ang magkabila kong mukha at masuyo akong hinalikan sa aking labi " Give me some time, sasabihin ko sa kanya ang lahat, ok? " naglalambing na wika nito sa akin at dinampian din ng halik ang aking noo. Napatango na lamang ako sa sinabi nito. Akma pa sana ulit akong hahalikan nito sa labi ng marinig namin ang paglalakad ni Charlotte papalapit sa aming kinaroroonan.
"Babe..?" tanong nito habang naglalakad. Maya maya pa ay nakarating na ito sa pantry kung saan ay abala na kami ni Shai pareho." There you are, kanina pa kita hinihintay. Ok na ba yan?" Tanong nito na ang tinutukoy ay ang mga pagkain. Bahagya lang akong napatango dito at binitbit na ang tray na may lamang pagkain.Content is © by NôvelDrama.Org.
Just a heads up: is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
"Ako na ang magdadala niyan Ruth " wika ni Shai na agad na nakalapit.
"Babe, hayaan mo na siya. Trabaho niya yan. Let's go." at niyaya na nito si Shai na lumabas ng pantry at bumalik sa loob ng opisina." Please, pakisunod na lang ng mga pagkain " baling pa muna nito sa akin bago naglakad palabas. Dahan dahan akong naglakad pabalik sa loob ng opisina ni Shai nang bigla akong matigilan ng bumungad sa aking paningin ang dalawa. Nakaupo si Shai sa kanyang swivel chair samantalang nakaupo naman sa kandungan nito si Charlotte. Naramdaman ko ang panginginig ng dalawa kong kamay at ang mabilis na pagtibok ng aking puso. Agad akong humugot ng aking hininga dahil pakiramdam ko ay sinasakal ako. Halos hindi ako makahinga dahil sa emosyon na aking nararamdaman. Akma na sana akong tatalikod ng marinig kong tinawag ni Shai ang aking pangalan. Unti unti akong tumingin ulit dito at nakita kong pareho na silang nakatayo ni Charlotte. Bahagya pang nagulo ang buhok nito at natanggal ang suot na kurbata.
"I- ito na - " sa unang pagkakataon, hindi ko kinayang ibuka ang aking bibig upang magsalita. Agad naman itong nahulaan ni Shai at mabilis na nakalapit sa akin upang kunin ang dala kong tray. Bahagya pa itong natigilan nang maramdaman nito ang panginginig ng aking mga kamay.
"I'm sorry wife, sorry baby" mahinang wika nito sa akin. Bigla ang pagbugso ng aking damdamin kasabay ng pagpatak ng aking luha na hindi ko na nakaya pang pigilan. Mabilis akong yumuko dito at tumalikod at dumiretso na ng labas ng opisina nito. Ang sakit. Sobrang sakit pala. Akala ko kaya ko makita silang magkasamang dalawa. Hindi pala. Walang tigil ang paglabas ng aking mga luha at nanlalabo na ang aking paningin kung kaya naman mas minabuti ko na lang na dumiretso ng Cr.
Nagkulong ako sa loob ng cubicle at doon ay walang sawa kong inilabas lahat ng sakit na aking nararamdaman. Umiyak ako ng umiyak na halos hindi na ako makahinga. Nanginginig ako at nanlalambot dahil sa aking nasaksihan kanina lamang. Hindi ko pala kayang makita ang asawa ko na kasama si Charlotte. Agad akong napahawak sa aking tiyan ng bahagya itong sumakit.
"I'm sorry baby, sorry kung umiiyak si Mommy. Sobrang sakit kasi, mahal na mahal ko ang daddy mo. Kapit ka lang dyan hah, mahal na mahal kita anak." Bulong ko habang hawak ang maliit ko pa lamang na tiyan. Maya maya pa ay narinig kong tumutunog ang aking telepono. Kinuha ko ito at nakita kong si Yaya ang tumatawag. Agad ko naman itong sinagot
"Hello, Ruth, iha. Ok ka lang ba? Asan ka anak?" Ramdam ko ang pag aalala sa boses ni Yaya kung kaya naman muli ay hindi ko napigilan ang pagtulo ng aking mga luha.
"Ya- yaya " umiiyak kong tawag dito.
"Dyosko, asan ka ba Ruth. Andito ako sa lobby ng kumpanya ni Shai. Tinawagan niya ako kanina at sinabi na sunduin daw kita. Ano bang problema. ? Nasaan ka at susunduin kita. ?" Nag aalalang tanong nito sa akin. Sinabi ko dito kung nasaan ako. Pagkatapos ng tawag ay inayos ko ang aking sarili at lumabas na ng cubicle. Dumiretso ako sa lababo upang maghilamos ngunit ng mapatingin sa salamin at makita ko ang aking sarili ay muling nag init ang sulok ng aking mga mata. Halos hindi na ako makamulat at pugtong pugto na ang aking mga mata. Namumula rin ang aking buong mukha. Mabilis akong naghilamos at inayos ang aking sarili. Hindi pa ako tapos nang marinig kong may tumatawag sa pangalan ko sa labas ng pinto.
"Ruth, iha, andyan ka ba sa loob? Ako ito, si Yaya Lourdes mo" pakinig kong wika nito. Lumapit ako sa pinto at binuksan ito at bumungad sa akin ang nag aalalang mukha ni Yaya.
"Ruth ? "kunot noong tanong ni yaya lourdes sa akin. " Anong nangyari sayo? Asan si Shai ?" Agad na tanong nito sa akin. Mabilis ko itong niyakap ng mahigpit at muli, naramdaman ko ang sakit sa aking dibdib. Hindi ko mapigilang mapahagulhol habang nakayakap kay yaya.
"Yaya.. Ang s-sakit, sobrang sakit po. Hindi ko kaya " pautal utal na wika ko dito habang walang tigil ang masagang luha na muling lumabas sa aking mga mata.