CHAPTER 14
***
"Tara na?" Ani ko sa kanilang dalawa matapos naming makapag-ready.
Naisipan naming mag-disguise bilang mga katulong sa palasyo. Ngunit agaw pansin ang aming mga buhok kaya't nag-wig kaming tatlo nina Krezella at Amora. Malaki rin ang naitulong sa amin ni Diana dahil siya ang nagdala ng mga pangangailan namin.
"Sure ba kayo 'di tayo mahuhuli nito?" Kinakabahang saad ni Amora.
Bigla siyang inakbayan ni Krezella. "Ano ka ba girl! Hindi ka ba confident sa plano natin?" Nakita ko na tuluyang nawala ang kaba sa mata ni Amora nang dahil sa sinabi ni Krezella. Nginitian ko silang dalawa.
"Let's go."
Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan ng aking kwarto. Sumilip kami kung may tao sa labas ngunit nang makita ko si Diana sa dulo na sinesenyasan ako ay nagmadali kaming tumakbo papunta sa pasilyo kung nasaan si Diana. Napahinto kaming tatlo nina Amora at Krezella sa tapat ni Diana. "Mahal na prinsesa, tulog na sa ganitong mga oras ang mga tagapagsilbi ng palasyo. Kaya ligtas na kayong makakapunta patungo sa chamber ng bagong Reyna. Ngunit, mag- iingat kayo sa mga kawal sa labas. Meroon silang isang oras na pagitan bago ulit rumonda sa loob ng palasyo. At ngayon na ang isang oras na iyon!"
Kaya't dali-dali kaming tumakbong tatlo ng mga kaibigan ko sa sikretong daan papunta sa chamber ng bruha. Mabuti na lamang at itinuro na ito sa amin ni Diana kanina. Laking pasasalamat ko talaga na handa siyang tulungan kami. "Shocks! Mabuti na lang talaga at maluwag na ang daan dito." Mahinang bulong ni Krezella.
Tumango-tango naman kaming dalawa ni Amora sa kaniya.
Napahinto kami sa maliit na bintana sa chamber ni bruha. Sumenyas ako kila Krezella at Amora na tumahimik muna dahil naririnig namin ang pag-uusap sa loob niyon.
"Wala kang silbi!" Rinig namin ang malakas na pagsigaw ng bruha sa loob. Sa tono ng kaniyang boses ay mukhang galit na galit ito.
Hinanda ko ang recorder na nakatago sa bulsa ng suot kong blusa na pangkatulong. Tumango sa akin sina Amora at Krezella. "Kailangan mong patayin ang Prinsesa niyo dahil may nalalaman siya patungkol sa akin!" Nanlaki ang mga mata ni Krezella at Amora. Napakunot noo ako.
So totoo ngang may kinalaman ang bruhang iyon sa gulong nangyari noong birthday ng Hari?
"P-Pero po mahal na R-Reyna..." Rinig namin ang panginginig ng boses ng isang katulong.
"Walang pero pero! Kailangan mong lasunin ang babaeng iyon! Mabuti na lamang at pinapatay ko na ang kaniyang retokadang ina! Wala ng aagaw pa sa trono ko." Malakas na humalakhak ang bruha. Napakuyom ang kamao ko nang dahil sa narinig. Umusbong ang galit sa dibdib ko.
Walanghiya siya!
"Ang kaniyang ama naman ay isang napakalaking tanga!" Tumawa ito ng malakas. "Hindi ko akalain na mabibihag ko siya nang ganoon lang kadali."
Huminga ako ng malalim. Pinapakalma naman ako nina Krezella at Amora. Pinatay ko ang hawak kong recorder.
"Tingin ko sapat na ang ebidensyang hawak natin." Ani ko sa dalawa at tumango-tango sila.
***
Tulala ako sa hardin nina Facio ngayon. Nandito kami nila Krezella at Amora dahil pag-uusapan namin ang planong pagsisiwalat sa bruhang Reyna at pati na rin sa maruming pamamalakad ng mga Spaniards. "Nandito na ang Prinsipe mo, girl! Yieee!" Nagulat ako sa paghampas sa akin ni Krezella.
Tumatawa naman sina Facio at Amora.
Sa 'di kalayuan ay nakita ko si Prinsipe West na nakasuot ng red royal attire at may espada na nakakabit sa kaniyang bewang.
Sobrang gwapo niya sa kaniyang suot at binagayan pa ng mga mata niyang kulay pilak na ngayon ay maamong nakatitig sa akin.
"I've heard from Krezella that the new Queen is involved in illegal organization." Napatango ako sa kaniya.
"Yes. And she needs to pay for killing my mother." Nagtatangis bagang kong saad.
Naramdaman ko ang mga kamay niya sa balikat ko. "Your wish is my command, my Luna." Then I heard his soft voice.Exclusive © content by N(ô)ve/l/Drama.Org.
"Yieeee! Umuusad na ship ko oh!" Kilig na sabi ni Amora.
"Apir tayo d'yan!" Ani naman ni Krezella at nag-apir silang dalawa.
"Sama ako d'yan mga binibini." Nakangiting saad ni Facio.
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience-all for free. The next chapter is eagerly waiting for you! At ayon nga, nag-apir na silang tatlo.
Napapatawa na lang kami nina Prinsipe West dahil sa kalokohan nila.
"By the way, I've found out that the church is involved with the new Queen and the Spaniards. It's all connected." Gulat kaming lahat na nakatingin ngayon kay Prinsipe West. What?!
'Yung simbahan?
Kaya ba nais nila akong mag-donate sa kanila dahil ginagamit nila sa hindi magandang paraan ang salaping iyon?
Naaalala ko rin kung paanong kumislap ang mga mata ng paring iyon habang inaabot ko sa kaniya ang malaking halaga ng salapi.
Biglang hinawakan ni Prinsipe West ang aking mga kamay kaya't napapasigaw na naman ang dalawa kong mga kaibigan habang si Facio ay napapasipol-sipol pa.
"I will avenge for you, my Luna." Then he kissed my hand.
I smiled. "Let's do it together, my Prince."
***