CHAPTER 13: Pagsisinungaling
(Patty)
Mag-isa na lang ako dito sa hospital room. Kasi si Lina kailangan na rin umuwi dahil nag-aalala na ang mga parents nito. Two days na rin kasi itong naririto at binabantayan ako. Sobrang abala na ang nagawa ko sa kanya. Nakatingin lang ako sa kisame, naguguluhan and at the same time natatakot sa huling napag-usapan namin ni kuya Renz. Nakatulugan ko na nga ang pag-iisip.
The next day pakiramdam ko may nagbabantay sa'kin pero tuwing imumulat ko naman ang mga mata wala naman akong nakikitang ibang tao sa room ko. Hindi kaya guni guni ko lang 'yun or baka mga nurse lang siguro. Ang dami kong mga bwisita este mga gwapong bisita ngayong araw. Ang buong Zairin naririto ngayon sa kwarto ko at lahat sila my dalang pagkain para sa'kin. Mukha ba akong matakaw? Grabe sila sa'kin. Well... medyo? "How are you Pat-Pat?" tanong ni kuya Vince makalipas ang ilang sandali habang na nakaupo sa inupuan ni Lina kahapon na katabi nitong kama.
"Okay na ba ang pakiramdam mo Princess?" ani kuya Clark na nakupo sa kabilang side ng kama ko. While sa kanan naroroon naman si kuya Niko. Sa dulo naman ng kama naroon sila kuya Yuki, kuya Luke at kuya James na nakatayo. Samantalang yung iba naman nakapaligid na sa kama ko habang magkakatabing nakatayo. Si kuya Lance lang ang hindi nakikigulo sa'min, nasa sopa lang siya at nagbabasa ng libro.
"Mga kuys okay na ako, 'wag na kayong mag-alala sa'kin. Strong 'to." nakangiting turan ko habang itinaas ang kanang braso at itinuro ang muscle doon na wala naman.
"Aba! Kakaiba 'tong si Princess palaban." ani kuya Clark na ginulo pa ang buhok ko. Nagtawanan naman ang lahat at ginaya ang ginawa ni kuya Clark.
"Aist!" iyon lang ang nasabi ko sa ginawa nila. Mukha na tuloy akong bruha. Tinawanan lang nila ako.
"Masakit pa ba ang mga sugat mo?" tanong ni kuya James sa'kin. Lahat kami napatingin sa mga natamo kong galos. Masakit pa iyon pero hindi ko iniinda. "Hindi na siya masakit mga kuys. Ouch!"
"Hindi na pala masakit ha. Ba't ka umaray d'yan?" ani kuya Luke na dinutdot lang naman ang mga sugat ko. "Hindi ka magaling magsinungaling Princess." dagdag pa nito. Tiningnan ko lang naman siya ng masama dahil sa ginawa nito. Masakit kaya.
"Luke! Baliw ka ba, ba't mo dinutdot ang sugat ni Princess?"
"Tama si Luke hindi ka magaling magsinungaling Pat-Pat. Halata na maga pa yang mga sugat mo tapos sasabihin mo hindi masakit?" napalingon ako kay kuya Vince.
"Ayoko lang naman na mag-alala pa kayo sa'kin. Okay lang naman ako, yakang-yaka ko yan."
"Ang sweet naman ng Princess namin."
"May umamin na nga pala sa juice na ininom mo." napalingon ako kay kuya Yuki. "Nagkaroon ng investigation sa school."
"Kailangan pa bang imbistigahan ang nangyare? Hindi naman mahalaga 'yun mga kuys. Siguro nagkamali lang ng pinagdalhan ng juice ang nagbigay no'n sa'kin or baka mali lang ang naitimpla niya." hindi sila nakasagot sa sinabi ko. O tamang sabihin na ang weird ng sagot ko kaya hindi nila naintindihan. Nginitian ko na lang sila at napakamot sa batok.
"Wag kang masyadong mabait Patty, dahil aabusuhin yan ng iba." narinig kong biglang sabi ni kuya Lance na hindi pa rin inaalis ang tingin sa hawak na libro. Napalingon naman kami sa pwesto nito. Nakikinig din pala si kuya Lance? Paano niya nagagawang pagsabayin ang pagbabasa at makinig sa pag-uusap namin, weird! Isa siyang marites.
"Nakita sa CCTV si Catherine at ang dalawa pang kasama nito na si Tina at Cassey na pumasok sa room niyo ni Lina. Sa ngayon ini-interrogate pa sila dahil ayaw nila umamin sa nangyareng sunog. Inamin nila yung about sa juice na my pangpatulog pero hindi ang sa sunog."
"Hindi naman magagawa ni Cathy 'yun. Oo spoiled brat 'yun at bully pero hindi niya magagawang magtangkang pumatay ng ibang tao para lang sa sariling intensiyon niya."
Pagkatapos sabihin iyon ni kuya Niko bigla itong tumayo at lumabas ng kwarto. Sinundan lang namin ito ng tingin hanggang sa makalabas ng kwarto ko.
"Anong nangyare 'don?"
"Baka hindi naka-isa sa mga babae niya kagabi." nagtawanan naman ang iba sa sinabi ni kuya Luke.
"Ouch! Bat ka ba nambabatok James."
"Bunganga mo Luke may bata dito."
"Sinong bata? Ouch! Nakakadalawa ka na ha."
"Ang slow mo kasi gunggong." natahimik naman si kuya Luke sa sinabi ni kuya James at tumingin sa'kin.
"Pasensya na, na-carried away lang."
Natatawa na lang ako sa kanila. Pero ano nga kaya ang nangyayare kay kuya Niko? Nakakapanibago na ang tahimik nito ngayon mula pa kanina pagpasok pa lang, hindi ako sanay. May problema ito alam ko. Halos wala na akong ginawa sa hospital kung hindi ang mahiga at kumain. Nakakahiya na sa mga nag-aalaga sa'kin ngayon. Para na akong patabaing baboy dito.
Paano ba naman ang buong Zairin grabe akong bantayan, lahat sila na ang gumagawa ng mga kaya ko naman gawin tulad na lang ng pagbabalat ng orange at apple. Inaagaw nila at sila na lang daw, baka daw mabinat ako. Pagpunta sa cr inaalalayan pa nila ako, e kaya ko naman maglakad wala naman akong pilay. Mga pasaway talaga sila pero nakakatouch ang mga ginagawa nila para sa'kin samantalang hindi pa naman kami ganoon katagal magkakakilala. Ilang oras din silang naroon sa kwarto ko bago magpaalam at kela Prince at kuya Renz naman daw sila bibisita. Sabi pa nila madidischarge na sila kuya Renz at Prince ngayon. Sana ako din maka-uwi na dahil panigurado nag-aalala na si mommy sa'kin at si Daddy. Hindi ko sila matawagan from time to time kasi naiwan sa guess house ang phone ko. Kaya naman nakitawag na lang ako kay Lina kahapon para hindi naman sila magtaka na hindi pa ako tumatawag. Sinabi ko na lang na nasira ang phone ko. Buti na lang talaga 3 days ang team building kaya hindi sila magtataka na hindi pa ako umuuwi ngayon. Sana bukas makalabas na rin ako dahil inaasahan nila na uuwi na ako sa hapon. Nagiguilty ako sa ginagawa kong pagsisinungaling sa kanila. Mabuti nga hindi nagawang tawagan nila Ms. Valdez sila Mommy kasi yung phone ko naiwan sa loob ng kwarto ko at nasunog. Wala silang macontact sa family ko para sabihin ang nangyare sa'kin. Ayokong mag-alala pa sila sa'kin dahil ayoko silang bigyan ng problema lalo na si mom panigurado maghehesterical 'yun. Hindi na niya ako papayagan makasama sa mga susunod na activities dahil sa nangyare ngayon. Sobra na yung pagmamahal na binigay nila sa'kin simula ng ampunin nila ako kaya naman ayokong suklian iyon ng puro problema at pag-aalala para sa'kin.
Matapos umalis ng mga Zairin boys ang mga professor naman namin ang bumisita sa'kin. Naitanong din nila kung natawagan ko na nga daw ang mga parents ko. Mabuti naman daw natawagan ko para may alam din sila sa nangyare at ihingi sila ng pasensya dahil naging pabaya sila. Matapos nila akong kamustahin umalis na din sila babalik na sila sa manila dahil nagstart na ulit ang klase. Excepted naman ako dahil nga sa nangyare sa'kin pero sayang pa din yung lecture. Napaisip ako bigla, si Prince kaya binisita na ako? Naipilig ko ang ang ulo. "Ba't ko ba iniisip 'yun? Hindi naman nito obligasyon ang dalawin ako." bakit pakiramdam ko nalungkot ako sa isipin na 'yun.
Just a heads up: is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
Hapon na ng kausapin ako ng doctor na bukas pwede na akong madischarge. Mabuti na lang talaga at pinagbigyan ng panginoon ang hiling ko. Ang problema ko na lang paano ko ipapaliwanag kela mom and dad ang mga sugat sa katawan ko. Pati ang mga gamit ko wala na dahil kasama iyon sa nasunog. Bahala na si batman.
Matapos madischarge ni kuya Renz pumunta ito sa room ko at siya na lang daw ang magbabantay sa'kin ang sabi ko dapat umuwi na siya para makapag pahinga pero ang sabi lang nito dahil wala ang mga magulang ko ito na lang daw ang papalit. Wala na ako nagawa dahil nagiguilty pa rin ako. Hindi ko maiwasan na isipin na sana bisitahin naman ako ni Prince pero ako na rin ang kumokontra sa sarili kong kabaliwan.
"Sigurado ka ba Patty?" ani kuya Renz. matapos ko bumaba sa kotse niya. Hinatid ako nito pauwi. Naririto ako sa kanto 'di kalayuan sa bahay namin.
"Oo kuya Renz. Salamat sa paghatid sa'kin dito. Ang isa pa pala, salamat din kasi hindi mo ko pinilit na magkwento. Hindi pa lang ako handa kuya kaya sana maintindihan mo ko." nakayukong sabi ko sa kanya habang nasa tapat ng bintana ng kotse nito. Naramdaman kong ginulo nito ang buhok ko sa ulo. Nang tingnan ko ito, nakangiti ito sa'kin.
"Wala 'yun Patty, I understand." aniya pa sa'kin.Content held by NôvelDrama.Org.
Hindi ko na ito pinadiretso sa mismong tapat ng bahay at baka makita kami ni mommy. Hindi ko alam pero parang ang weird ko nitong mga nakaraan. Ayoko lang siguro na tanong-tanongin pa ito nila mom, nakakahiya na kay kuya Renz, sobrang abala na ang nagawa ko for him. Kailangan na rin nitong umuwi para makapagpahinga at hindi nito magagawa 'yun kung iinterview-hin siya ni mommy.
Matapos nitong magpaalam sa'kin umalis na rin siya. Naglakad naman na ako papunta sa bahay and as expected nagulat si mommy sa nakikitang may mga tapal na sugat ko. Halos mataranta ito sa pagtatanong kung ano ang nangyare at kung bakit ako nasugatan. Buti nakaisip agad ako ng palusot sabi ko dahil sa mga activities na ginawa namin kaya ako nasugatan. Gusto pa nitong tawagan sana ang prof. namin para sana sabihin na bakit pinababayaan nila ang estudyante nila, na gawin ang delikadong activity pero sinabi kong wala silang kasalanan dahil lampa lang talaga ako. Umakyat na ako sa room ko ng hindi na ito nagtanong pa. Buti hindi nito ipinilit na tawagan ang mga prof. ko.
I'm sorry mom. Ayoko lang na mag-alala kayo kaya nagagawa kong magsinungaling.
Naririto ako sa hagdan pababa, balak kong pumunta sa kitchen kasi pakiramdam ko uhaw na uhaw ako. Nakita ko si mom na nasa bungad ng pinto. Tatawagin ko sana ito pero narinig ko may kausap pala ito sa phone. Hindi muna ako pumasok at babalik na lang muna sa kwarto pero natigilan ako ng marinig na binigkas ni mom ang pangalan ko.
"Hon! Pakiramdam ko may inililihim satin si Patty."
Napabalik ako sa gilid ng pinto at sumandal sa pader. Si Dad ang kausap niyo. Alam na ba ni mom ang pagsisinungaling ko?
"Ano na ang gagawin natin? Baka may naaalala na siya or may nalaman siya sa ginawa natin noon. Hon, ayokong mawala satin si Patty. Hindi ko kakayanin." umiiyak ng turan ni mam habang kausap pa rin si Dad sa phone. Anong sinasabi ni mommy? May dapat ba akong malaman na hindi nila sinasabi sa'kin?