Don't Let Me Go, Diana

Chapter 9



Chapter 9

You and I are like the buildings that we design, Alex. Pinaghirapan nating buoin. Pero nang makita

natin ang kinalabasan, hindi tayo kuntento. Hindi pa pala sapat 'yong nagawa natin. Marami palang

butas. We've tried to fix the holes. Pero sa kapipilit nating ayusin, lumaki at dumami ang mga butas.

Kaya sa huli, we have no choice but to let go of the entire plan, of the entire design. Because it just

won't work... like us."

Sa hindi na mabilang na pagkakataon ay sumagi sa isip ni Alexis ang mga sinabing iyon sa kanya ng

una at huling naging girlfriend niya na si Lea mahigit anim na buwan na ang nakararaan, bago siya

umalis papuntang Italy para palihim na sundan si Diana.

Marahas na napabuga siya ng hangin habang naghihintay sa pagdating ni Diana sa townhouse nito.

Umayos man ang ilang aspeto ng buhay niya ay nananatili pa ring komplikado at parang parating

nagra-riot ang puso at isip niya. Para na siyang mababaliw. Nagsimula iyon nang magdesisyon na lang

bigla ang matalik na kaibigan niyang magbakasyon. Bigla siyang naalarma. Natakot.

Nasanay siyang parati siyang kinokonsulta ni Diana sa mga ginagawa nito kaya nang lumayo ito nang

hindi man lang nagpapahatid sa airport, daig niya pa ang pusang hindi mapaanak. Hindi lang ito basta

umalis. Pakiramdam niya, may pinutol itong kung anong tali na nagbibigkis sa kanilang dalawa lalo na

nang ipaalam nitong pansamantala silang mawawalan ng communication.

Literal na ginusto ni Diana na mapag-isa. Lalo siyang nataranta. Hindi siya mapakali sa opisina. Kaya

sinundan niya ang kaibigan. Pero bago iyon ay nakipaghiwalay na muna sa kanya si Lea nang

matuklasan nito ang balak niya.

Halos maraming pagkakatulad sina Lea at Diana. Iyon siguro ang dahilan kung bakit napalapit siya sa

dating girlfriend. Bukod pa sa araw-araw sila halos nagkikita nito dahil nagtatrabaho ito sa firm niya

bilang isa ring arkitekto. Nauunawaan nila ang isa't isa, gaya nila ni Diana. Pero nagkamali siya nang

gawing basehan ang matalik na kaibigan para pumasok sa isang relasyon. May mga pagkakataon

talagang nagiging tanga pa rin siya sa pagdedesisyon. Lalo na nang ligawan niya si Lea.

Umpisa pa lang ay naramdaman niya nang gusto siya nito. He took advantage of that feeling. Naging

sila. Pero wala iyong saya na nararamdaman niya kapag ang kasama ay si Diana. At iyon ang

problema. Ang katulad parati ni Diana ang hinahanap niya. Ang katulad na pakiramdam kapag kasama

ang dalaga.

Isa siyang malaking gago. Nasaktan niya si Lea dahil sa parati niyang pagkukumpara. Ni ayaw niyang

patawag rito ng "Axis" dahil iisang tao lang ang gusto niyang tumatawag sa kanya nang ganoon.

Sinubukan niyang ayusin ang relasyon nila. At naramdaman niyang mas matindi ang ginawang

pagpipilit ni Lea para ayusin rin iyon. Pero sadyang hindi umubra. Dahil wala rito ang problema. Nasa

kanya.

Iniwasan niyang harapin ang totoong problema. Basta sumunod na lang siya kay Diana sa Italy.

Hiniling nito ang mapag-isa kaya ibinigay niya iyon. Hindi niya ipinaramdam rito ang presence niya.

Nakuntento siyang palihim na sundan at tanawin ito. Ang mahalaga ay malapit siya rito. Mabuti na lang

at modern na ang panahon. Gamit ang internet ay maayos niya pa ring na-monitor ang kanyang firm.

Nang bumalik si Diana sa Pilipinas ay nagpalipas lamang si Alexis ng ilang oras bago sumunod na rin

sa dalaga. At nang tawagan siya nito mahigit tatlong linggo na ang nakararaan para ipaalam na

nakabalik na ito sa bansa, ginusto niyang puntahan kaagad ito para yakapin. Pero nagsunod-sunod

ang mga kinailangan niyang harapin sa trabaho dahil matagal-tagal rin siyang nawala.

Ngayon lang siya nagkaroon ng panahon na puntahan si Diana sa townhouse nito. Magdadalawang

taon na rin mula nang magsolo ito ng tirahan. Kahit pa alam niyang hindi iyon nagustuhan ng mga

magulang nito dahil unica hija ay hinayaan pa rin ng mga ito si Diana. That was her charm. People just

couldn't say "no" to his bestfriend. Not even her parents. Not even him.

Sa malas ay mukhang lumabas si Diana. Ilang oras na siyang naghihintay malapit sa gate ng

townhouse nito pero hindi pa rin ito dumarating. Napasulyap siya sa kanyang relo. Ilang minuto na lang

at mag-aalas dose na ng gabi.

Diana, where are you?

Kahit ang pagtawag at pagpapadala ng text messages ng dalaga ay nabawasan na rin kahit pa

bumalik na ang kanilang communication nang bumalik na rin ito sa Pilipinas. Araw-araw pa rin silang

nag-uusap sa telepono pero para bang... may mali. Para bang hindi na iyon gaya nang dati. Nang may

humimpil na hindi pamilyar na sasakyan sa tapat ng gate ng dalaga ay agad siyang naghanda para

bumaba sa sariling kotse.

Pero natigilan si Alexis nang makitang lalaki ang naghatid kay Diana. Sa tinagal-tagal ng pagpaparinig

ng mga magulang nito na magpaligaw na ay ngayon lang ito nagpahatid. Ngayon lang nakipag-date

ang dalaga kahit ilang beses niya na itong tinukso noon na subukan ang bagay na iyon. Pero iba pala

ang makita na itong may kasamang iba maliban sa kanya.

Nagkwentuhan pa sandali ang dalawa sa gate ni Diana bago nagpaalam ang lalaki. Hinagkan nito sa

noo ang dalaga saka ito umalis at pinaandar ang sariling sasakyan. Ilang sandali siyang natulala nang

makita ang pagsilay ng ngiti sa mga labi ni Diana... ngiti na dati ay para lang sa kanya.

Am I back to being a jerk? Bakit gusto niyang ipagdamot si Diana? Bakit bigla ay parang na-threaten

ang pakiramdam niya? Sa nakalipas na mga taon, naramdaman niyang naka-move on na ang dalaga

sa nararamdaman para sa kanya. Wala na itong binabanggit. At hanggang ngayon ay iniisip niya pa rin

kung bakit siya nanghihinayang kahit na masaya siya na hindi ito nagkaroon ng ibang lalaki sa buhay

nito.

Papasok na sana si Diana sa gate nang magawang kumilos ni Alexis. Nagmamadaling bumaba siya

mula sa kanyang kotse. Tinakbo niya ang natitirang distansya sa pagitan nila ng dalaga at niyakap ito

mula sa likod. Sinakmal ng pag-aalala ang puso niya. Takot na takot siya. Shit.

"Axis!" nabiglang bulalas ni Diana. Para bang pamilyar na talaga ito sa kanya kaya nahulaan agad

kung kaninong mga braso ang nakapaikot rito kahit na hindi siya nagsasalita o hindi siya nakikita. "I've

missed you, bestfriend. Bakit ngayon ka lang?"

Bestfriend. Bakit bigla ay hindi niya na gustong marinig pa ang salitang iyon?

"I'm... scared." Sa halip ay sinabi ni Alexis.

"Wow." Bumitaw sa yakap niya ang dalaga. Ayaw man ni Alexis ay pinakawalan niya ito. Para namang

namamanghang humarap ito sa kanya. Ikinulong nito ang mukha niya sa maiinit at malalambot na mga

palad nito. "Are you really my bestfriend? Because you see, the Alexis Serrano that I know doesn't get

scared. Nawala lang ako, nagbago ka na." Masuyong ngumiti ito. "What's wrong?"

You. Me. My heart. Everything. Anang puso niya pero hindi na siya sumagot. Muli niyang ipinaloob sa

mga bisig niya ang dalaga. Mariin niyang ipinikit ang mga mata. Ano bang nangyayari sa kanya?

"WHEN my eyes are closed, the greatest story told. I woke up and my dreams are shattered here on

the floor. Why, oh, why tell me why not me? Why, oh, why we were meant to be..."

Natigilan mula sa paghihilamos ng mukha si Diana nang marinig ang pag-alingawngaw na iyon ng

musika na nagmumula sa stereo sa loob ng kanyang kwarto. Iyon ang ilang taon na lihim na theme

song niya para kay Alexis. Napabuntong-hininga siya. Matapos makapagpalit ng damit at

makapagpunas ng mukha ay lumabas na siya ng banyo. Agad na bumungad sa kanya si Alexis na

kasalukuyang nakahiga mismo sa kanyang kama.

Hindi na bago sa kanya ang tanawing iyon. Ilang ulit na ring nag-sleep over sa kwarto niya ang binata

sa nakalipas na mga taon. Nakapikit si Alexis nang mga sandaling iyon pero alam niyang gising pa rin

ito. Hawak pa nito ang remote ng kanyang stereo. Gaya niya, nakapagpalit na rin ito ng damit. Nag-

iiwan ito ng damit pero sa halip na sa guest room ay sa kanyang kwarto dahil madalas ay parati na

lang nitong nakukursunadahang puntahan siya at makitulog sa bahay niya, sa mismong tabi niya.

"Baby, I know I could be all you need. I wanna love you. If you only knew how much I love you so, why

not me? You won't ever know how far we can go..."

Napalunok si Diana. Marahan siyang tumabi kay Alexis sa kama. Nahiga siya at pinakatitigan ang

binata. Why not me? Ilang beses niya na ba iyong naitanong sa kanyang sarili noon? Bakit hindi na

lang siya? Bakit hindi na lang maging sila samantalang alam niya na kailangan rin siya ng binata? Ang

dami niyang maaring ibigay kung hahayaan lang nito.

Pero sa dulo, sadyang magkaiba pa rin ang kailangan sa pagmamahal. Kailangan man siya ni Alexis

ay hindi naman iyon sapat para mahalin din siya nito. Pero gaya ng lyrics sa kanta ay hindi nito

malalaman kung hanggang saan sila maaring dalhin ng tadhana dahil ayaw nitong hayaan.

Pinaglandas ni Diana ang mga daliri sa pisngi ng binata. Iniwasan niyang makaramdam ng

kahungkagan.

'Yong relationship natin... pwede pa sanang lagyan ng comma. Marami pang puwang para sa question

mark, sa exclamation point, at sa iba pa. Pero tinuldukan mo na. Agad-agad... nang hindi sinusubukan

ang mga posibilidad.

Nagmulat ang binata at hinawakan ang kanyang kamay. Nagulat siya sa pag-aalala na nakarehistro sa

mga mata nito.

"I didn't miss you." Bahagyang namamaos na sinabi ni Alexis.

Sa kabila ng lahat ay gumuhitang ngiti sa mga labi ni Diana. "I've missed you, too, Axis." Kilalang-kilala

niya na ang binata. Kahit kailan, hindi ito naging komportable sa pagtatapat ng mga saloobin nito.

Kadalasan ay taliwas ang mga sinasabi nito sa tunay na nararamdaman. "Ano ba talagang problema?

Bakit mukhang dito ka matutulog?"

Nagsalubong ang mga kilay ni Alexis pero hindi maikakaila kay Diana na rumehistro ang pagkaalarma

sa mga mata nito.

"Bakit? Bawal na ba?"

Tinapik ng libreng kamay ni Diana ang noo ng binata. "Silly! What are you saying? Teka nga,"

Nagsalubong rin ang mga kilay niya. "Nag-away ba kayo ni Lea at bigla kang nakaalala?" Nagbibirong

pumalatak pa siya. "Kabago-bago n'yo pa lang, ganyan na agad ang nangyari. Do you want me to talk

to her?"

"Hindi na kailangan." Sa pagkagulat niya ay kinabig siya ni Alexis. Napasandal siya sa dibdib nito. "We

broke up."

Napasinghap si Diana. "Kailan pa?"

"Four days after you left for Italy."

"Oh, Axis!" Gumanti siya ng yakap sa binata. "I'm sorry I wasn't there for you when you needed me."

Bigla ay hindi niya malaman kung pagsisisihan niya bang umalis siya at lumayo rito. Nagtagal siya sa

Italy at pilit na hindi nakipag-communicate rito samantalang may pinagdaraanan pala ito. That was

Alexis' first heartbreak. Hindi niya man lang ito nadamayan. "I'm really sorry. Ano ba'ng nangyari? Baka

maayos pa. Tutulungan kita."

"Hindi na. Malabo na." Lalo pang humigpit ang pagkakayakap sa kanya ng binata. "If you only knew,

Diana." Napuno ng pait ang boses nito.

Hinintay niyang magsalita si Alexis pero gaya ng dati ay nanahimik ito. Siguro ay hindi pa ito handa.

Pasasaan ba at kusa rin itong aamin sa kanya.

Hindi siya nakaramdam ng saya. Guilt ang sumasalakay sa kanya. Habang inaabala niya ang sarili sa

pakikipag-date kay Jake, meron na palang problema si Alexis. Pero hindi niya rin lubos na masisi ang

sarili. Gusto niya nang sumubok makipagrelasyon uli. Lalo na ngayon. Para maiwasang umasa. Dahil

kahit na naghiwalay na si Alexis at Lea, alam niya namang hindi siya kailanman ikokonsidera ng

binata.

Gusto niyang tumaya kay Jake. Dahil naiiba ito sa mga nakilala niya na noon. Komportable siyang

kasama ang binata. Mula nang magkita sila nito sa airport ay hindi na siya nito tinigilan. May sumundo

ritong driver sa airport. Maybe it was the kindness in his eyes that made her say yes nang pakiusapan

siya nitong ito na ang maghahatid sa kanya.

Simula noon, sumusulpot na si Jake araw-araw sa bahay niya na may dalang kung ano-ano. Nang

matuklasan nito ang tungkol sa flower shop niya ay halos naroon ito tuwing tanghali at sinasabayan

siyang mananghalian. May pagkakataon pang ginagamit nito ang mga binibili nitong bulaklak na

dahilan para makita siya.

Marunong makisama si Jake kahit sa mga empleyado niya. Naabutan pa ito ng kanyang ama sa flower

shop niya noong nakaraang araw. At kaninang umaga lang ay may ipinadalang email sa kanya ang

ama tungkol sa background ng binata. Napailing si Diana sa naisip. Sadyang napakabilis kumilos ng

sources ng ama pagdating sa ganoong bagay. Natuklasan niyang hindi nagsisinungaling ang binata

nang sabihin nito sa kanyang single pa ito at isang hotelier.

Napapangiti at napapatawa siya ni Jake sa mga simpleng hirit nito. At magandang simula iyon para This content © Nôv/elDr(a)m/a.Org.

kay Diana. Bukod pa roon ay mukhang nagustuhan rin ito ng kanyang ama dahil gaya ni Alexis ay

mababa ang loob nito at marunong rumespeto.

Bahagya siyang lumayo kay Alexis. Marahang hinagkan niya ito sa noo at mga pisngi. "Pain isn't

forever, Axis. Nandito lang ako kapag handa ka nang mag-share. Good night." Hinila niya na ang

kumot at umayos ng higa. Iniunat ng binata ang braso nito at doon siya umunan. Ganoon parati ang

ayos nila tuwing matutulog.

Niyakap siya ng binata. Naramdaman niya ang paghalik rin nito sa kanyang ulo. Kuntentong pumikit na

siya. Alexis had always been sweet.

"Good night, Diana."


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.