Chapter 6
Chapter 6
HALOS mayanig si Diana sa lakas ng naging pagsampal sa kanya ni Margie nang parang galit na galit
na sugurin siya nito sa classroom bago pa man magsimula ang klase. Buong buhay niya, wala pang
gumawa niyon sa kanya.
Gulat na napatitig siya kay Margie.
"Slut! Matagal na akong nagtitiis sa 'yo dahil anak ka ng business partner ni Daddy. Pero hindi ko na 'to
mapapalampas, Diana. Ano'ng pinakain mo kay Alexis, huh? You're the reason why he kept avoiding
me! I saw him, first, Diana. You know that! Alam mong akin na siya pero sinulot mo pa rin! Mang-
aagaw ka!" Akmang sasampalin siya uli ni Margie nang saluhin ni Alexis ang kamay nito na bigla na
lang sumulpot mula sa kung saan.
He gritted his teeth. "Nasa loob ka ng eskwelahan, Margie. Pero bakit parati kang umaaktong parang
walang pinag-aralan?" Sandaling nilingon ni Alexis si Diana. "Ganito ba talaga rito, Diana? First, there's
this Kurt guy claiming that you're his. And now, this woman here. This is getting really annoying.
Masyadong mapag-angkin ang mga tao rito."
Bumalik ang mga mata ni Alexis kay Margie. Nagdidilim ang anyong diniinan nito ang palad ng babae
bago binitiwan. "Walang inaagaw si Diana sa 'yo dahil kahit kailan, hindi ako naging sa 'yo. Ang akala
ko, nalinaw ko na 'yan sa 'yo kagabing nagkita tayo. It sucks because I need to tell you this again
today. And here I thought you were smart."
Napaatras si Margie nang humakbang ang binata palapit rito. "Don't mess with me, Margie. Alam mo
kung gaano ako kagago. Anuman ang gawin ko, wala nang mawawala sa 'kin. Wala nang masisira pa
sa akin. Sa 'yo, mero'n. Marami. Lay a finger on Diana again and I swear I will break you. Don't tempt
me."
Bumuka ang bibig ni Margie pero mukhang sa huling sandali, nagdalawang-isip itong magsalita.
Namumutlang tumalikod na lang ito at nagtatakbo palayo sa kanila habang nagpalakpakan naman ang
mga nangangantiyaw na kaklase niyang nakapalibot na sa kanila ng binata nang mga oras na iyon.
Hinarap uli ni Alexis si Diana. Nag-aalalang hinawakan nito ang kanyang mga pisngi. "I'm sorry."
Rumehistro ang pagsisisi sa gwapong anyo nito. "Ilang beses na akong kinukulit ni Margie. Kagabi,
sinundan niya ako hanggang sa bahay namin. Tinapat ko na siya. Akala ko nagkaintindihan na kami.
Hindi ko naman alam na may pagka-slow pala 'yon. I never thought this would happen."
Hindi siya nakapagsalita. Buong suyong hinalikan siya ng binata sa noo bago siya niyakap. "I will never
let anyone hurt you again, Diana. Ipinapangako ko 'yan sa 'yo."
"Sinungaling kang lalaki ka." Pumatak ang mga luha ni Diana sa naalala. Deretsong tinungga niya na
ang natitirang laman ng bote ng alak at sinaid iyon. "You're the one who's hurting me right now."
Sumagi sa isip niya ang ginawang pagpunta sa tahanan ng mga Serrano. Ilang ulit na rin siyang
nakarating doon mula nang maging magkaibigan sila ni Alexis mahigit kalahating taon na ang
nakararaan. Labas-masok na sila sa kwarto ng isa't isa kaya sanay na sa kanya si Manang Renata pati
na ang mga kasambahay sa mansiyon ng kanyang pamilya.
Pero nang araw na iyon, pinigilan siya ni Manang Renata na puntahan si Alexis. Kung ano-anong
palusot ang ginawa nito pero dahil mapilit siya, nakagawa siya ng paraan para puntahan pa rin ang
kaibigan. Nang makita niya ang binata, saka niya naunawaan ang pag-aalinlangan ni Manang Renata.
Dahil may ibang babae na kasama ang alaga nito sa kwarto. Pareho pang tulog ang mga ito habang
magkatabi sa kama.
Kung tutuusin, kasalanan rin ni Diana kung bakit siya nakakaramdam nang ganoon ngayon. Wala
naman silang usapan ni Alexis na magkikita. Plano niya lang sana itong sorpresahin at para na rin
magpasama rito sa mall para mamili ng isusuot niya dahil sa nalalapit na Valentine's party nila sa
Academy. Ang binata ang nag-volunteer maging escort niya. Huling party na iyon na pupuntahan nila
kaya gusto na nilang sulitin dahil halos dalawang buwan na lang, ga-graduate na sila ni Alexis.
Wala siyang maipipintas sa pagkakaibigan nila. Kung tutuusin, spoiled best friend si Diana. Hatid-
sundo siya ng binata. Simula nang maging kaibigan niya ito, hindi na siya nakasakay sa sarili niyang
kotse. Hindi pa sila nagkatampuhan. Masayang kasama si Alexis. Kadalasan, maangas pa rin ito pero
nasasakyan niya na iyon ngayon. Mahilig itong gumala kaya kung saan-saan sila nakakarating tuwing
walang pasok sa Academy.
He was sweet and thoughtful. Parati siyang sinosorpresa ng binata sa iba't ibang mga regalong
natatanggap niya rito mula sa mga nakatanim pa sa pasong bulaklak, tsokolate, stuff toys at mga
pangdekorasyon sa hardin na pinakapaborito niya. May mga pagkakataon pang tinutulungan si ni
Alexis sa pag-aayos ng kanilang hardin at sa pagtatanim ng mga bulaklak na mula sa kung saan-saan
nila binibili. Kung malalaman lang ng lahat kung gaano kasarap maging kaibigan ang binata, alam niya
na marami ang pipila para lang mapalitan siya.
Hindi humihinto si Alexis na kilalanin siya, mula sa mga pinakapaborito niya hanggang sa mga
pinakaayaw niya. There were times when they would just sit in one corner and talk about almost
everything. Alam na nito ang kwento ng buhay niya. Kusa niya iyong sinabi rito kung paanong alam
niya na rin ang nangyari rito kahit pa una niya iyong natuklasan mula sa kanyang ama na nagkataong
kasosyo pala ng ama ni Alexis sa pagmamay-ari nilang hotel.
"As much as possible, I don't want you to be friends with that Serrano guy, Diana." Naalala niyang
sinabi pa ng kanyang ama nang unang beses na ipakilala niya ito at si Alexis sa isa't isa. "Kilala ko ang
kanyang ama. Kahit na magkasosyo kami sa negosyo, ayoko pa rin sa kanya."
"You know about Mister Serrano?" Nagsalubong ang mga kilay ni Diana. Kahit minsan, wala pang
nababanggit sa kanya si Alexis tungkol sa mga magulang nito na ipinagtataka niya. Alam niyang ang
mga iyon ang dahilan ng pagsusuot ni Alexis ng maskara. Pero iniwasan niyang magtanong sa binata
tungkol roon. Hinihintay niya itong kusang magbahagi.
"You know how the business world works, sweetheart. You have to be familiar with the giants' weakest
links. Mas marami kang nalalaman, mas marami kang magiging bala na lahat, magagamit mo sa
tamang panahon. Ang ama ni Alexis ay si Senator Alexander Guevarra. He's one spineless man. And
Alexis was his son to his other woman."
Nanlaki ang mga mata ni Diana.
"Hangga't maari, ayokong maugnay ka sa mga ganoong tao-"
"Mabuting tao si Alexis, Dad." maagap na pagdepensa niya pa rin kay Alexis kahit na nalilito sa mga
narinig. "Ano ngayon kung gano'n mang klaseng pamilya ang kinabibilangan niya? Hindi niya 'yon
kasalanan. Whatever you say won't stop me from being his best friend. Lalo na ngayong nalaman ko
na kung ano ang eksaktong pinagdaraanan niya."
"Are you aware of what you look like right now, Diana?" Sa halip ay gulat na sinabi ng kanyang ama.
"What?"
"You looked like you're willing to fight with me if I get in between your friendship with Guevarra's son."
Ilang minutong katahimikan ang namayani sa pagitan nila ng ama bago siya sa wakas nagsalita.
"Because I will, Dad."
Pinakatitigan si Diana ng kanyang ama. Mayamaya, bumuntong-hininga ito. "All right. Nakikita ko
namang maganda ang epekto niya sa 'yo. Mas madalas ka nang ngumingiti ngayon. Ang hindi ko lang
alam kung magugustuhan ko ay 'yang ipinakikita mo ngayong katapangan, sweetheart." Bahagyang
natawa na ito bago muling nagseryoso. "But one wrong move and I will kick him out of your life whether
you like it or not."
Masunuring anak si Diana. Walang hiniling ang kanyang mga magulang na hindi niya pinagbigyan. Text © by N0ve/lDrama.Org.
Pero ibang kaso ang sa kanila ni Alexis. She would stand up for him because she knew he would do
the same for her, too. Kahit na sandali pa lang silang nagiging magkaibigan, nararamdaman niya iyon.
At nang finally, ipagkatiwala na ng binata sa kanya ang katotohanan tungkol sa mga magulang nito,
mas lalo niyang napatunayan ang bagay na iyon.
"Hindi naman alam ni Alexis na nasasaktan ka niya, Diana. I'm sure if he finds out you're crying for him,
he'd freak out. Baka awayin niya pa pati ang sarili niya para lang sa 'yo." Pang-aalo ni Laurice. Ito ang
tinawagan ni Diana pagkagaling niya sa bahay ng mga Serrano. Sa kauna-unahang pagkakataon,
niyaya niya itong magpunta sa bar. Kay Laurice niya ibinuhos ang sama ng loob.
Masyado na yata siyang nasanay na siya na lang ang parating kasama ni Alexis kaya ganoon na lang
ang buhos ng sakit sa puso niya nang makita itong may kasamang iba. Agad niyang nalimutan ang
papel niya. Dakilang best friend nga lang pala siya.
"Bakit kasi hindi mo subukang aminin sa kanya ang nararamdaman mo?"
"How do we suppose to tell our best friends that we fell in love with them without losing them?"
Ganting-tanong ni Diana.
"Sa kabilang banda, hindi ba't parang mas okay na rin ang status n'yo ni Alexis? I mean, ang best
friend, pang-long term, Diana. Ang girlfriend, walang assurance. Malay mo ba kung kayo pa rin
bukas?" Biglang kambiyo ni Laurice. "At least, hindi ka tulad ng mga nagiging babae niya. As a best
friend, you can be permanent in his life."
Permanent. Walang dudang gusto niyang maging permanente sa buhay ni Alexis. Pero paano kung
hindi niya magawang alisin ang nararamdaman para rito? Natatakot siyang maging permanente na rin
ang sakit sa puso niya.