Don't Let Me Go, Diana

Chapter 11



Chapter 11

MAY NAGBAGO. Hindi iyon maitatanggi ni Alexis habang pinanonood si Diana na humahakbang

palapit sa kanya sa mismong yate na nirentahan niya para sa kanila sa espesyal na gabing iyon.

She used to be so excited at the thought of them being together. Kitang-kita iyon sa magandang mukha

nito madalas. Pero nang mga sandaling iyon, marahang naglalakad lang ang dalaga palapit sa kanya.

Walang halong pagmamadali sa kilos nito na para bang kontrolado nito ang oras. Ngumiti ito sa kanya.

Pero bakit pakiramdam niya, hindi na iyon gaya ng dati?

Muling pumitlag ang kanyang puso. Malinaw niya nang napapansin ang lahat ngayon. Dati pa ganoon

ang reaction ng puso niya tuwing nakikita si Diana pero ngayon niya lang iyon pinagtuunan ng pansin.

Pesteng takot at insecurity, kay tagal siyang binilanggo ng mga iyon.

"Kung hindi ko lang alam na mag-best friend tayo, iisipin kong magpo-propose ka... sa akin ngayong

gabi," mapanuksong bungad ni Diana nang makalapit kay Alexis. "Pero dahil nga mag-best friend tayo,

alam mo kung anong iniisip ko? Na gusto mong ipa-check 'tong venue at lahat ng mga gamit rito para

sa pagdating ng isang espesyal na babae sa buhay mo."

Tumingin ang dalaga sa paligid. "At dahil natural kang tensiyonado, kailangan mo ng presence ng best

friend mo dito. That's my purpose here, isn't it? So, where's the girl, Axis? Si Lea ba?" Kumunot ang

noo ni Diana. "O 'wag mong sabihing... iba? Pepektusan kita. Kailan lang kayo nag-break, Serrano.

Umayos ka." Pinandilatan siya nito. "Alangan namang nakahanap ka na agad ng iba?"

Sumemplang ang tangka sanang pag-ngiti ni Alexis. "Bakit... kahit minsan ba hindi mo naisip na NôvelDrama.Org © content.

posible ang ganitong bagay sa pagitan nating dalawa?"

Nagsalubong ang mga kilay ni Diana. Iginala nito ang paningin sa kabuuan ng yate. Mula sa mga

kalalakihang malamyos na tumutugtog at kumakanta hindi kalayuan sa kanila, sa red carpet na

inihanda niya sa pagdating ng dalaga hanggang sa pandalawahang mesa na naghihintay sa kanila sa

pinakasentro ng yate.

"Honestly? Hindi." Anang dalaga matapos ang ilang sandali. "Kaya 'wag mo akong pinagloloko.

Kilalang-kilala na kita. First of all, everything is beautiful, Axis. Everything is romantically arranged that

it's really hard to think that this could be for the two of us. The stars, the violins, the table, the carpet

and... you." Itinuro siya ni Diana. "Kahit kailan, hindi pa kita nakitang nagsuot nang ganyan. Ngayon

lang kita nakitang naka-suit. Pero aminado ako na minsan pinangarap ko ang ganito, noong nasa

college pa tayo at nahulog ako sa 'yo."

Kinindatan siya ng dalaga. "Yes, I once fell for you, Axis. 'Wag mo kong tingnan nang ganyan. Parang

nakakadala lang kasing umamin ngayon. Nakakahawa ang romance sa paligid. Pero 'wag kang mag-

alala. Lipas na 'yon. Nasa college pa tayo nang mangyari 'yon. You're safe with me now." Bahagyang

natawa pa ito.

Pumikit si Diana at ibinuka ang mga braso na para bang nangangarap. Habang si Alexis, parang

nalulon ang dila na nakatitig lang sa dalaga. Hindi niya alam kung alin sa mga sinabi nito ang unang

pagtutuunan niya ng pansin. Ang kaalaman bang kahit kailan, hindi niya ito binigyan ng indikasyon na

posibleng lumalim pa ang kanilang relasyon o ang katotohanan bang... sa paglipas ng panahon ay

naglaho na ang nararamdaman nito para sa kanya.

Ngayon lang iyon inamin ni Diana sa kanya.

"You're safe with me." Parang tuksong ulit pa ng isip niya sa mga sinabi ng dalaga.

That's the problem, Diana. I don't want to be safe. Not anymore.

"So, what do you really wanna say, Axis?" Anang dalaga nang muling dumilat. "Ang hirap namang

madatnan pa ako dito ni Lea kung sakali mang magpo-propose ka sa kanya o 'di kaya ay makikipag-

ayos ka sa kanya." Ngumiti si Diana. "Kung ang hinihintay mo ay ang opinyon ko, 'wag kang mag-

alala." Nag-thumbs up ang dalaga. "Approved 'to sa akin at sigurado ako na ganoon din ang iisipin ni

Lea. Paano? Aalis na ba ako? Magpapasundo na ba ako kay Jake?"

Napakarami niyang gustong sabihin. Pero para bang nakulong sa lalamunan niya ang lahat ng mga

salita na ilang araw niyang inensayo. Hanggang sa huli ay iisang tanong na lang ang nagawa niyang

sabihin. "Who's Jake?"

Lumawak ang pagkakangiti ni Diana. "My boyfriend. Sinagot ko siya two days ago. Pero 'wag kang

mag-alala, best friend. 'Wag ka nang magtampo. Makakaliskisan mo pa siya sa mga darating na araw.

Plano ko naman talagang ipakilala rin kayo sa isa't isa. Siniguro ko lang muna ang nararamdaman ko

bago ko 'yon gawin."

Bumuka ang bibig ni Alexis pero walang salita ang lumabas sa bibig niya. Para bang nanghina ang

mga binti niya. Naglakad siya papunta sa gilid ng yate at mariing kumapit sa barandilya na para bang

doon humuhugot ng lakas. Napatitig siya sa karagatan. It was funny how excited he was while planning

that trip days ago. Sumunod na napatingin siya sa kalangitan. Noong nakaraang gabi nang magpunta

siya sa yate para alamin kung maayos na ang lahat para sa gabing iyon ay wala ni isang nagpakitang

bituin. Naalala niya kung gaano siya kabaliw nang humiling siya sa langit na magpakitang-gilas at

magsabog ng mga bituin sa gabing iyon.

Tinupad ng langit ang hiling niya na may kinalaman sa mga bituin. Pero hanggang doon na lang ang

natupad. Mapait siyang napangiti. Mula noon hanggang ngayon, si Diana ang nagsisilbi niyang bituin.

At siya ang panggabing langit. Kailangan niya ito para magliwanag. Pero matapos ng mga natuklasan,

alam niya na kahit kasama niya pa si Diana, hindi na siya muling magliliwanag. Dahil ibang langit na

ang bibigyan nito ng liwanag. Mariing ipinikit niya ang mga mata.

"Axis?" Rumehistro ang pag-aalala sa boses ni Diana. "May problema ba?"

"Sigurado ka na ba sa Jerk na 'yon?" Sa halip ay tanong ni Alexis.

"Axis, it's Jake. Not Jerk."

"Oh, sorry." Dumilat siya at pilit na humarap kay Diana. Kailangan niyang mabasa mula mismo sa mga

mata nito ang sagot sa tanong niya. "Alam mo namang may problema ako sa pag-memorize ng mga

pangalan. So, sigurado ka na ba sa kanya?"

Ngumiti si Diana. "Oo. He makes me happy, Axis. He's the one. I can feel it in my heart," puno ng pag-

asa ang boses na sagot nito. "Kayo ni Lea? Ano nang lagay n'yo? Bakit wala pa siya dito?"

"Wala siya rito dahil hindi naman talaga siya iyong hinihintay ko. Iba." napasulyap si Alexis sa kanyang

wristwatch. "Pero mukhang hindi na siya darating. Mukhang sa pagbiyahe niya papunta rito, may

nakilala na siyang iba at na-realize niya na 'yon pala ang mas nararapat para sa kanya kaysa sa akin.

At hindi ko siya masisisi. Mukhang... nagising na siya."

Sinenyasan ni Alexis ang isang staff hindi kalayuan sa kanila ni Diana. Masigla namang tumango ang

lalaki na ang akala siguro ay nagkaunawaan na sila ng dalaga. Hindi nagtagal ay sunod-sunod na

nagliwanag ang kalangitan dahil sa fireworks.

"It's beautiful!" bulalas ni Diana.

Sa hindi na mabilang na pagkakataon, pinagmasdan ni Alexis si Diana. Nang hindi na mapigilan ang

sarili ay kinabig niya ito at niyakap. Tama siya. Totoong may nagbago. Ang ngiti na dati ay para sa

kanya lang, sa iba na napunta. Hindi maitatanggi ang kislap sa mga mata ni Diana nang banggitin nito

ang tungkol sa boyfriend nito, boyfriend na hindi niya sigurado kung gugustuhin niya pang makilala.

Because he was sure that Jerk or Jake was everything he's not.

Hindi na siya nagtangkang umamin. Para saan pa? Guguluhin niya lang ang dalaga gayong kitang-kita

niya na masaya na ito sa buhay nito. Kung aamin siya ngayong may iba nang nilalaman ang puso nito,

mas malaki ang tsansang mawala ito sa kanya. Kailangan niyang makuntento na lang na kaibigan ni

Diana. Dahil wala na siyang lugar para sa pwestong higit pa roon. Kung may dapat man siyang sisihin

ngayon, iyon ay ang sarili niya. Hearing her say she loved him and trying to deny what he felt

afterwards was the greatest mistake he ever did in his entire life.

Maybe his love was meant to be hidden from the very beginning. Iyon siguro ang dahilan kung bakit

huli niya na iyong natuklasan. Siguro ay maraming uri ng pag-ibig. May pag-ibig na dapat ay sinasabi,

ipinapaalam, pero meron din namang mas magandang itago na lang. Katulad ng pag-ibig niya. Dahil

may mga pag-ibig na nakakasira. Sa oras na sabihin niya iyon ay maraming consequences.

Malinaw niyang naririnig ang putukan sa kalangitan. Damang-dama niya rin ang paggalaw ng yate.

Pero siya... ang buong pagkatao niya, ang buong mundo niya ay para bang huminto. Pakiramdam

niya, bumalik siya sa dating Alexis halos walong taon na ang nakararaan. Bumalik lahat ng pait at sakit

na pansamantalang nalimutan niya sa pagdating ni Diana sa buhay niya.

"Axis?"

"Hmm?"

"Are you okay?"

"No." Nag-init ang mga mata ni Alexis. Isinubsob niya ang mukha sa ulo ni Diana kasabay ng pagpatak

ng kanyang mga luha. Naramdaman niya ang mabining pagtapik ng dalaga sa kanyang balikat na para

bang kino-comfort siya. Gusto niyang matawa sa sitwasyon. Kino-comfort siya ng taong mismong

naghatid ng sakit sa kanya.

Ngayon ay alam niya na ang naramdaman ni Diana noong in love pa sa kanya. Pero hindi niya alam na

ganoon pala iyon kasakit.

Sana hindi siya isang bastardo. Sana hindi siya lumaki na nakikipagkompetensya sa mga legal na

anak ng kanyang ama. How he wished there was someone who had taught him lessons about

relationships. Sana, naranasan niyang matanggap at mahalin kung sino siya noon bukod kay Diana.

Dahil kung ganoon ang nangyari, 'di sana hindi siya lumaking duwag, 'di sana ay natuto siyang

sumugal at hindi lumaking takot mawalan, 'di sana ay hindi niya natutunang magsuot ng maskara, 'di

sana ay hindi niya natutunang ikaila ang totoong nararamdaman ng puso niya.

Napakaraming sana. At ang pinakamasakit doon ay ang kaalamang mula noon hanggang ngayon ay

hanggang sana na lang siya.

"Ano ba talagang problema? Let me help you."

"You can't." Unless you fall for me again.

"I THOUGHT you would never come." Bulong ni Alexis habang nagsasayaw na sila ni Diana sa

malawak na gymnasium ng Saint Gabriel Academy. Tatlong banda ang nakatalagang tumugtog para sa

gabing iyon. At tapos na sila ng mga kabanda niya. Ang orihinal na plano niya ay dumeretso sa

mansiyon nina Diana matapos tumugtog. Pero naririto na ngayon sa mga bisig niya ang babaeng gusto

niyang puntahan.

"I didn't want to." Nakasimangot na sagot ni Diana. "Pero naalala ko ang minsang sinabi mo na ako

ang inspirasyon mo sa pagtugtog. Kaya, heto na ako."

Naaaliw na ngumiti si Alexis kasabay ng marahang paghapit sa dalaga. "Bakit parang hindi ka

kumbinsido?"

"Dahil babaero ka pa rin, Serrano. Paano ako maniniwala na ako na best friend mo ang inspirasyon

mo?"

Sandaling napahinto sa pagsayaw si Alexis. Napatitig siya sa dalaga na bakas ang pagtataka sa

mukha. Mula sa makipot na baywang nito ay umakyat ang mga kamay niya patungo sa mga pisngi

nito. "Akala ko nalinaw ko na sa 'yo na isang pagkakamali lang 'yong naabutan mo sa bahay? Diana,

you're the only woman in my life now. There's no place I would rather be than in the arms of my best

friend."

Ipinaibabaw ni Diana ang mga kamay nito sa kanyang mga kamay. Kumislap ang mga mata nito.

"Talaga?"

Tumango si Alexis. Inilibot niya ang paningin sa paligid. Namataan niya pa rin ang ilang mga

kalalakihang nananatiling nakatutok ang mga mata sa babaeng kasama niya. Mula nang matapos

siyang tumugtog, hindi niya na hinayaang maisayaw pa ito ng iba. At mukhang hindi naman iyon

napapansin ni Diana. "Do you know how many men are dying to dance with you tonight? Pero ako ang

katabi mo. Hinayaan mo akong maisayaw ka-"

"Dahil ikaw lang naman talaga ang ipinunta ko rito. Ikaw lang naman ang gusto kong maisayaw."

Namumula ang mga pisnging sagot ng dalaga. "At pinagbigyan mo ako. Thank you, Axis."

Parang may mainit na kamay na humaplos sa puso ni Alexis. Hanggang ngayon, nahihirapan pa rin

siyang paniwalaan na ang kislap sa mga mata ng dalaga ay para sa kanya. "No, Diana. Ako ang

totoong pinagbigyan mo. Three... five, or ten years from now, you will be singing a different tune; you

will be dancing with a different man, and when that time comes, all I can do is to repeat this entire

memory in my mind and-"

"Sshh." Lumapat ang mga daliri ng dalaga sa kanyang mga labi. "Ayokong isipin."

Naipilig ni Alexis ang ulo sa panibagong naalala. Magwawalong buwan niya nang ginagawa iyon: ang

mag-reminisce. Pero ngayong araw higit na bumuhos ang mga alaala. Maybe it was just him. Birthday

niya na naman kasi. Pero hindi gaya ng dati ay walang Diana na bumungad sa pinto ng condo unit

niya. Walang Diana na tumawag sa kanya para kumanta ng birthday song.

Naalala niya pa kaya?

Matapos maiparada ang kotse sa tapat ng flower shop ni Diana ay dere-deretso na siyang bumaba.

Kumunot ang noo niya nang may marinig na romantikong awitin sa paligid pagbukas niya ng shop.

Pero walang nakapansin sa kanyang pagdating. Dahil ang lahat ng mga mata ay nakatuon sa isang

lalaking nakaluhod sa harap ni Diana habang may hawak na singsing.

Shit!

"Diana, will you marry me?" Ani Jake. Of course, the man kneeling really had to be Jake. Ang lalaking

ilang beses na nakahihigit sa kanya sa lahat ng aspeto. Nang malaman niya ang tungkol sa boyfriend

ni Diana, gusto niya nang lumubog at lamunin na lang ng lupa sa matinding panliliit. Dahil bagay na

bagay ito at si Diana sa isa't isa.

Parehong nagmula sa maganda at respetadong pamilya ang dalawa. Doon pa lang ay talo na siya.

Kahit pareho nang yumao ang mga magulang ni Jake, hindi pa rin matatawaran ang mga alaala ng

kabutihan ng mag-asawa. Kilala ang pamilya ng mga ito sa buong Maynila.

Walang maipipintas si Alexis kay Jake. Mabait ito kahit sa kanya. Ilang beses na rin silang nagkita sa

nakalipas na mga buwan. At nakikita niya ang pagsisikap ng lalaki na ilapit rin ang loob sa kanya gaya

ng pagkakalapit nila ng girlfriend nito. Pero hindi niya magawa. Dahil naroroon pa rin ang pakiramdam

niyang ito ang naglayo kay Diana sa kanya.

Bihira na lang sila kung magkaroon ng sariling pagkakataon ng dalaga. Dahil madalas, parating

sumusulpot ang boyfriend nito. Sa telepono niya na lang ito nakakausap at hindi pa gaanong

nagtatagal dahil kung hindi ito may date ay pagod ito mula sa pamamasyal kasama si Jake. Pero tinikis

niya ang lahat ng umiigting na sakit bawat araw. Dahil nakikita niyang masaya ang dalaga. At least, sa

kanilang dalawa, may isang masaya. Hindi bale nang siya ang sumalo ng sakit.

But God... iyong sakit na bunga ng nasasaksihan niya ngayon ay ibang kaso na.

"Diana?" Narinig niyang ninenerbiyos nang tanong ni Jake.

Say no, Diana, please. I beg you. Piping dasal ni Alexis. Pero kailan ba naman pinagbigyan ang hiling

ng puso niya? Nang makita niyang tumango ang dalaga ay nagmamadali na siyang umalis ng flower

shop. Mabibilis ang hakbang na lumapit siya sa kanyang kotse at pinaharurot iyon palayo.

Sa halip na sa opisina, sa Saint Gabriel Academy dumeretso si Alexis. Taon-taon ay nagpupunta siya

roon para mamahagi ng kung ano-ano. Pero sa pagkakataong iyon, wala siyang dala maliban sa

hinaing ng puso niya. Dahil sanay na sa kanya ang mga gwardiya, walang kahirap-hirap siyang

nakapasok sa loob. Nagpunta siya sa dating open field kung saan siya unang nakita ni Diana. Isang

tatlong palapag na gusali na ang nakatayo roon ngayon.

Mapait siyang napangiti na nauwi sa pagtawa. Nang magsimula nang makaagaw ng atensiyon ay

tinakpan niya ang kanyang mukha... para matakpan rin ang pagpatak ng kanyang mga luha. Nang

hindi niya na matagalan ang pagdaloy ng mga alaala ay sa oval siya sumunod na nagpunta. Mainit ang

sikat ng araw kaya hindi kataka-taka na walang estudyante roon nang mga sandaling iyon. Ganoon pa

man ay nagpunta siya sa pinakagitna niyon.

"Diana!" Ubod-lakas niyang naisigaw. "Diana, hindi lang siya ang nagmamahal sa 'yo. Ako rin! Diana,

mahal kita!" His voice broke until he could no longer shout. "Mahal na mahal kita." Parang masisiraan

ng bait na napaluhod siya sa damuhan. Sinapo niya ang ulo.

Mula sa araw na iyon, mukhang babalik siya sa dating ginagawa. Sa birthday niya, ipagtitirik niya uli

ang sarili ng kandila.

Ilang oras siyang nakayukyok lang sa kalagitnaan ng araw. Sa muli niyang pag-angat ng mukha para

harapin ang liwanag ay parang namamanhid na ang kalamnan niya. Patay na ba siya? Damn. Wala na

siyang maramdaman. At sana, parating ganoon na lang.

Happiest birthday to me.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.