Desire Love

Chapter 25: Debt



CHAPTER 25 Aleighn's POV

Lumipas ang isang linggo mag mula ng nakauwi kami ni sir Craige galing ng cebu kung saan siya nakipag meeting, at isang linggo na rin ang lumipas mag mula ng magtrabaho ako sa mismong kompanya niya bilang pangalawang sekretarya niya daw.

Pumapasok ako ng mas maaga sa mansion niya para asikasuhin at ayusin ang mga kailangan niya bago pumasok sa trabaho, pagtapos ay saka ako napunta sa kompanya niya at nagta trabaho. Ang tanging ginagawa ko lang naman ay mag ayos ng sangka tutak na mga papeles, mag linis ng mga pwesto ng ibang empleyado at bilhin ang kung ano mang mga ipina pabili sa akin.

Sa isang linggong lumipas halos wala ng pag lagyan ang pagod na nararamdaman ng katawan ko, pumapasok pa rin ako sa bar kahit halos wala na akong lakas na natitira sa buong araw na pagta trabaho ng sabay sa opisina at mansion ng amo kong si sir Craige.

Katulong ako sa mansion niya habang yaya ako halos ng lahat ng mga empleyado niya bukod sakanya. Gusto kong mag reklamo kaya lang ay baka saan na naman mauwi ang pagre reklamo kong iyon sakanya, sakaling mag salita ako at umalma.

"Aleighn paki bili naman kami ng meryenda," untag ng isa sa mga empleyado sa akin

Isa na naman ito sa panibagong araw kong pagta trabaho at pag sunod sa utos ng kung sino - sino.

"May ginagawa pa ako, pwede bang mamaya nalang?" tugon ko

"Trabaho mo ang gawin ang pag bili sa mga gusto namin hindi ba, bakit paghihitayin mo kami?!" galit na tugon pabalik sa akin ni Ysa, isa sa mga empleyado ni sir Craige

"Ilista ninyo lahat kung ano at bibilhin ko na, mukhang sasabog ka kaagad sa galit," walang emosyon kong untag

Agad naman sila lahat na naglista ng mga pagkaing gusto nilang ipabili sa akin, kaya naman ng matapos nilang isulat at ibigay sa akin ay agad nalang akong sumunod. Labag man sa loob ko ay ginagawa ko, ayokong nakikipag talo sa mga taong akala palagi kung maka asta ay kaya ako. Ayokong lumiit ang mundo ko dahil lang sa mga katulad nila, nagibiraoanna nga aking makisama at maki tungo kay sir Craige, kaya ayoko nalang na dagdagan pa ang stress sa buhay ko. Agad rin akong nakabalik mula sa pag bili ng pagkain nila Ysa kaya naman pinag patuloy ko ang pag aayos sa mga papeles na itinambak ni sir Craige sa akin kaninang umaga, halos hindi pa ako nangangalahati ay dinagdagan na naman ni Monic ang ginagawa ko, si Monic na sekretarya ni sir Craige na halos puro pagpa paganda nalang ang inatupag mula ng ipasok ako ni sir Craige sa kompanya niya.

Nakakapagod mag trabaho pero ayos lang sana kung may sweldo ako, kaya lang ay wala at mukhang kulang pa pambayad sa utang na loob ko sa amo kong si Lucifer the second kung sakaling meron man.

Mahirap at nakakapagod man ang ginagawa ko ay sinikap kong matapos ang trabaho ko para sa araw na ito, gusto ko na kasing umuwi sa anak ko para maalagaan ko naman siya at makasama bago ako pumasok sa bar. Halos hindi na kasi kami nagkaka samang mag ina dahil sa pagta trabahong ginagawa ko, alam kong nauunawaan ni Ravi ang ginagawa ko, kaya lang ay ayokong isipin niya na puro trabaho nalang ang inaatupag ko.

Nag tungo ako sa opisina ni sir Craige ng lumampas na ang oras sa ala singko ng hapon para magpa alam na uuwi na ako dahil tapos naman na ang oras ng trabaho ko sakanya, bilang katulong at alila sa kompanya kaya pwede naman na akong umuwi.

"Sir Craige uuwi na po ako, tapos na lahat ng pinagagawa mo sa akin," tugon ko ng makapasok ak9 sa opisina niya

Naka simangot niya akong tinapunan ng tingin habang nagtitipa sa laptop na kaharap niya.

"You're not going home yet, bumalik ka sa mansion ko at maglinis ka. Madumi ang kuwarto ko kaya ayusin mo, pagtapos mong gawin iyon prepare me a dinner. Then go home after doing all what I said," maawtoridad niyang untag sabay balik ng tingin sa laptop

Just a heads up: is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

"Pero sir papasok pa ako bar!" pag tutol ko

"I don't care woman!" inis niya ring untag pabalik

"Tapos na ang oras ng trabaho ko sainyo sir, gusto kong makasama ang anak ko bago ulit mag trabaho!" untag ko ulit sakanyaContent bel0ngs to Nôvel(D)r/a/ma.Org.

"As I've said I don't care!" galit niya untag

"T*ng*na talaga!" galit ko ring untag pabalik

"Minumura mo ba akong babae ka?!" may bakas ng iritasyon ng sabi sabay tayo mula sa pagkaka upo

"Yung sarili ko yung minumura ko!" tugon ko

"Kung may ibabayad ka sa utang mo ngayon ora mismo magbayad ka, then do what ever you need to do useless woman!" mayabang niyang untag sabay ngisi sa akin "Hindi ako useless sir!" untag ko

Gigil na gigil ako sakanya sa mga oras na ito pero wala akong magagawa kundi gawin ang utos niya, ano ba namang laban ko sa demonyong tulad niya. Pinag sisilbihan ko na nga bilang katulong, humirit pa bilang alila ng marami sa kompanya niya. Wala naman akong napapala, nahihirapan pa nga ako. Oo para kay Ravi ang ginagawa ko, pero sobra-sobra na yung pagtitiis ko, lalo na sa lalaking nasa harapan ko sa mga oras na ito.

"Hanggang kailan ba ako magbabayad ng utang na loob sayo sir Craige?" biglaang tanong ko sakanya sa seryosong tono ng boses ko

"You have no rights to ask me, just do what I said woman! Remember kung hindi dahil-"

"Kung hindi dahil sayo sana ay patay na ang anak ko, okay sige kaya magpapa alila ako sayo hangga't gusto mo!" putol ko sa sasabihin niyang paulit-ulit kong naririnig sa tuwing sinusubukan ko siyang tanungin kung hanggang kailan ako magpapa kapagod kaka trabaho sakanya

"Gagawin ko na ang ipinagagawa mo sir," walang buhay kong untag saka ako nag martsa palabas ng opisina niya.

Lumandas ang mumunting luha mula sa mga mata ko habang palabas ako ng mismomg building, naiiyak ako sa mga oras na ito dahil sa totoo lang ay naiinis ako kay sir Craige, hindi niya man lang maramdaman na sumosobra na siya, naiiyak din ako dahil hindi ko na halos makasama ang anak ko sa kakasunod sa mga utos at gusto niya dahil lang sa may utang na loob ako sakanya.

Tama naman talaga si sir Craige na kung hindi dahil sakanya ay patay na sana si Ravi at may utang na loob ako sakanya, idagdag pa ang pag payag ko sa kagustuhan niyang maging katulong ako sa mansion niya, pero sobra sobra naman na yung ginagawa niya.

Para sa anak kong si Ravi ginagawa ko ang lahat ng ito, pero napapagod din naman ako, at kahit pansamantalang pahinga sana ay gusto kong maranasan na alam kong imposible, dahil bukod sa kailangan kong kumayod para sa anak ko, may utang ako kay Raul at higit sa lahat kailangan ko munang magbayad kay sir Craige bago ko makuha ang pahingang gusto ko.

Sa kabila ng magandang buhay at guwapong itsura ni Sir Craige, may mala demonyo siyang katangian na kahit sino ay hindi siya gugustuhing makasama.

Hanggang saan at kailan kaya ako magti tiis na kasama ang taong tulad niya.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.