CHAPTER 50
“Ang ganda mo, Reuzekhia”
Namumula ang aking mukha at pabebeng isinumpling ang kapirangot na buhok sa likod ng tenga na mabilis namang inayos ni Fritzie Nicola–isa sa mga kilalang gown designer at stylist.
“Ang ganda mo sa puting gown na ‘yan, Reu…” ani Papa, nangangarap ang tinig habang pinadadausdos ang palad sa gown na isinukat ko para sa kasal “Hindi ako makapag-hintay na makita ka’ng naka-suot ng trahe de boha, Anak”
Mabilis akong napa-nguso at sinimangutan si Papa.
“Matagal pa ‘yon, Pa!” I made a faced but the bright smile in his face didn’t faltered.
“Pero, ija…” he trailed off “Kamusta na kayo ng batang Asunscion?”
Mabilis na nanigas ang aking katawan sa kinatatayuan, kitang-kita sa salamin ang pasimpleng pag-siko ni Tita Zheria kay Papa at ang mabilis na pag-alis ng stylist.
“Uhm, we’re civil naman po” I said, bakit? Civil naman talaga ha! ” Papalit na ‘ko, Pa.. ”
Naka-yuko lamang ako’ng pumasok sa loob ng hindi ganoon kalawak na dressing room na puros salamin ang pader.
Mapait ako’ng napa-ngiti ng makita ang sarili sa salamin, I’m wearing a white gown–One shoulder style, diamonds we’re scattered in artistic way, para akong ikakasal samantalang ang totoo’y a-attend lang ako sa kasal.
What if….
What if hindi kami nag-hiwalay ni Adam? Kasal na siguro kami? O ikakasal? Magsusuot na ba ako ng wedding gown? May anak na kami?
Baka naging masaya kami…
Baka masaya kami ngayon…
I immediately removed all the sudden what ifs inside my head.
Matagal na ‘yong wala, matagal ng tapos, matagal ng natuldukan, matagal na kaming tapos, pero…. ako? tapos na ba? tapos na ba ako’ng masaktan? tanggap ko na nga ba?
Natawa ako ng marahan.
Pa’nong matatapos kung pinipilit ko lamang ang sarili ko.
Masakit pa rin, gusto ko pa rin, kaso.. it’s already five years late.
“Putang-na naman” naka-simangot ako’ng napa-punas ng aking mukha ng mayroong traydor na luha ang tumulo sa aking pisngi “Tama na, maawa ka naman…”
I slowly pumped my chest because of the sudden pain, bakit hindi ko pa rin tanggap?
Funny no? How fast those people came into our life it’ll double the fast how they will leave our life, like nothing happened, yung parang naranasan mo lang na umangat, nasanay ka tapos… Back to zero na naman, hindi ba nila alam na masakit ‘yon?
Sasanayin tayo tapos bigla nalang aalis.
Well, sa case naman namin, ako yung umalis, ni hindi siya pinagpaliwanag pero kasalanan ko bang masaktan? Hindi naman ako robot.
” ‘Nak?” naka-rinig ako ng marahang katok sa pintuan dahilan kung bakit dali-dali ako’ng naghubad ng suot kong gown.
“Sandale lang po…” I said with a low voice, feeling ko anytime mababasag ang aking boses. Nawala ang pag-katok sa pintuan at mayroong boses na nag-uusap.
Matapos makapagpalit at kinuha ko na rin ang aking pouch upang mag-retouch dahil medyo wala ng pulbos ang aking mukha. Ngumiti ako ng bahagya sa harap ng salamin bago binuksan ang pintuan.
“Pa, paki–” I was stunned when a man suddenly appeard in front of me.
He’s wearing a plain black shirt, a silver necklace, khaki short, and a black and white slip ons, the silver watch in his left wrist were shining. Ang kaniyang kuloy na buhok na para’ng hindi sinuklayan at ang kaniyang brown na mata, napaka-gwapo.
“Hey, are you alright? Namumula ka” his low baritone voice makes me snap, doon ko lamang napansin ang mainit at malapad na kamay ang naka-dapo sa ‘king noo.
“Ano ba!” My eyes widened to my sudden outburst, ang bilis ng tibok ng puso ‘ko.
“What’s wrong?” His eyes aren’t leaving mine, kitang-kita ang labis na gulat at pag-aalala sa kaniyang mukha pero ang gwapo niya pa din, unfair.
Bakit siya nasa pinas? Di ‘ba naiwan siya sa Maldives?! What is he doing here?!
“A-ah.. wala ‘to, gutom lang” iwinaksi ko ang tingin sa kaniya at binalingan ng tingin si Papa na mukhang nag-aalala, I gave him a smile to assured him. “Pa, uwi na tayo?”
Marahang tumango si Papa at naunang tumalikod sa ‘kin ngunit bago pa ako makaalis ay mayroong biglang humawak ng aking siko at marahang hinila.
“Tito Santi, Can I borrow your daughter for a while? I promise I’ll sent her home before seven” ani niya na animo’y isang binatang nagpapa-goodshot sa nililigawan.
“H-ha?!”
“A-ano?!”
Halos sabay kaming napa-tanong ni Papa ngunit kung titignan ang mukha ni Tita Zheria ay para’ng bagot na bagot ito sa ‘min rinig ko rin ang kaniyang marahas na buntong-hininga.
“Hoy bata, hahayaan naming makasama mo ang anak ni Santi kung ayos lang sa kaniya” lahat kami ay napa-tingin kay Tita dahil sa boses niyang parang nandadarag, napa-tango ako”Oh, pumayag siya, i-babalik mo siya bago mag-alas siete kapag lumagpas ka ni isang minuto, huwag na huwag ka’ng magpa-pakita sa ‘min, naiintindihan mo? ”
Ako naman ay mabilis na napa-lingon kay Adam na sunod sunod tumango na para’ng batang pinagsasabihan.
“Halika na, Santi… Reu, mag-iingat ka” ani Tita at mabilis na tumalikod habang ang mga kamay ay nasa loob ng bulsa ng kaniyang pantalon, Si Papa naman ay ngingiti-ngiting sumunod kay Papa, patay na patay.
Namayani ang katahimikan sa ‘min, Nanatili ang aking tingin sa lugar kung saan lumabas sila Tita Zheria, pinilit ko ang sarili ko’ng huwag tumingin sa ‘king likuran dahil ramdam ko ang paninitig sa ‘kin ni Adam.
“A-uhm” tumikhim ako ngunit hindi pa rin siya nililingon “A-anong sasabihin mo?”
Ilang minuto pa ang aking hinintay ngunit hindi siya sumagot dahilan kung bakit napa-simangot ako, humarap ako sa kaniya handang singhalan siya ngunit natutop ang aking boses ng makita ang mapaglarong ngiti sa kaniyang labi na umaabot sa kaniyang mata.
“B-bakit ka naka-ngiti?” Takhang tanong ko kahit na nagwa-wala ang aking kaibuturan dahil sa kaniyang ngisi.
” Let’s talk about…” He slightly leaned on me, ramdam ko ang init ng kaniyang hininga sa ‘king tenga “… your message, baby”
Mabilis na nanlaki ang aking mga mata at ramdam ko ang pag-kalat ng init sa ‘king ulo, leeg at tenga.
“A-anong sinasabi mo?” pagak akong tumawa at inirapan siya, I’m innocent! Wala akong alam!
Yeah and pigs can fly, Reu.
Mariing nakatitig sa’kin ang kaniyang mata at kitang kita ang pag-igting ng kaniyang panga, magkasalubong ang kilay at kumikibot-kibot ang labi.
“What did you say?” his voice were thunderous, masyadong maaligasgas at malalim dahilan kung bakit napa-kurap ako, he slowly angled his face.
What the fuck?! Is he going to kiss me?! Here talaga?!
Sunod-sunod ang aking pag-lunok ng maramdaman ko ang kaniyang tungking ilong na marahang dumadanggi sa’king ilong, ngunit ang mas kinagulat ko ang kaniyang sunod na ginawa.
Dahil imbes na halikan ako, ay marahan niyang pinag-kiskis ang aming ilong, dahan-dahan at may ritmo, ramdam ko rin ang marahang pag-hawak niya sa king mukha, ikinulong niya ang aking mukha sa kaniyang dalawang palad habang patuloy na pinagki-kiskis ang aming mga ilong.This belongs © NôvelDra/ma.Org.
Nang tumigil ay ramdam ko ang pag-init ng aking bumbunan pababa sa’king mukha at tenga, hanggang leeg, kita ko ang pag-ngiti niya na pilit itinatago sa pamamagitan ng pag-kagat sa kaniyang labi.
“Ayan muna hanggat hindi pa ulit tayo…” kung kanina ay puno ng peligro ang kaniyang boses ngayon naman ay ubod ito ng lambing na halos makalimutan ko’ng hindi siya sa’kin pero gusto ko’ng yumakap.
“… Pero tandaan mo, Akin ka lang”