Be With Him

CHAPTER 24



“WELCOME TO PANSOL, LAGUNA!”

“Don’t tell me… kilala mo yung may-ari?”

“Edi I won’t tell you” maarteng sambit ni Adam at inirapan na naman ako.

Kababa lamang namin ni Adam sa sasakyan ng salubungin kami ng ibang mga staff ng isang resort dito.

“Welcome to our Resort, Ma’am!”

Sinabitan nila kame ng flower necklace kay Adam at Flower crown sa akin, Wow may pa ganito sila? Hawaiian style ha wow

Inabot ng isang lalaking staff ang mga duffel bag na hawak ni Adam at ang hawak ko na maliit na maleta.

“This way, Ma’am” nakunot ang noo ko nang igiya kami ng babaeng staff patungo sa kwarto

“Isang kwarto lang kinuha mo?!” Pasigaw na bulong ko kay Adam, letse’ng to ke bago bago namin magsasama kami?! No!

“Feeling ka? Presidential suite kinuha ko, Atichoda” inirapan niya ako at nag-flip ng invisible hair bago binuksan ang pintuan, natawa ako.

Pagka-bukas palang ng pinto ay hindi ko mapigilan ang paghanga sa ganda ng disenyo, mayroong tatlong pintuan dito, mayroon sa kanan at dalawa sa kaliwa.

“Akin nang kwarto to” napa-linga ako kay Adam ng magsalita siya, naroon siya sa tabi ng pintuan sa kaliwa.

“We, Sure kang ayaw mo’ko katabi?” Biro ko at humalakhak pero masama niya lang akong tinignan.

“Ayoko baka nahilik ka e, Ew!” Binato ko siya nang unan na nasa couch na nasa tapat ko.

“Anong masama sa pag-hilik?!” Tinaasan ko siya ng kilay at pumamewang “Ibig sabihin non pagod yung tao! Malalim tulog niya!”

“We? Sino may sabi?” Tanong niya at bahagyang tumawa

“Si Papa!” Proud na sagot ko, totoo naman e.

“Papa mo panot” mabilis siyang pumasok sa kwarto nang inambahan ko siya ng bato ng isa pang unan, gagong yon.

Immature.

We decided to rest first dahil masyadong mahaba ang daang tinahak namin kanina, after taking a bath inside my room humiga din ako sa kama at nag online sa IG, dahil may oval body mirror dito, I took a mirror shot wearing a sports bra and grey shorts.

Nilagay ko yon sa story ko with a caption ‘ugh kairita’ bago binalik ang phone sa lamesa.

Matapos magbihis ay umupo ako sa kama at sinimulang mag-suklay ng mag beep ang phone ko

Stvndvs replied to your story

Stvndvs : wow ganyan ba kapag may sakit

Stvndvs : pagaling ka ha, pakyu.

Reuprlta :Salamat ha, Godbless.

I laughed with our convo, sandale pa’no yon nakakapag-IG sa room? I was about to chat him again when my phone beeped again

Asuncionadam : what’s that?

Asuncionadam : punta ka here sa room ko, usap tayo, usap lang.

I shouted ‘BOBO” hoping he can heard me but he also shouted

“USAP LANG BE, DALI NA!” I heard him laughed, baliw na amp.

I checked my twitter if someone dm-ed me.

KrishAtehna Asunscion : Hi ate, It’s me Adam’s sis

I just replied a waving emoji before turning off my phone and dozed to sleep.

I was awakened by a loud sounds and thud.

“Love! Wake Up!”

Pasuray-suray pa akong tumayo para buksan ang pintuan at halos mabutas ang noo ko nang mataaman ako ng kamay ni Adam

“Hala, gagi Sorry love” he panicked and kissed my forehead countless time

“Why did you wake me up?!” I hissed and pushed him

“Wow nag book ng resort para matulog?” Biglang balik ng putangina niyang attitude “Swimming na tayo, lovee”

“Labas!” Tinulak ko siya palabas ng kwarto para mag-asikaso nang lingunin ko ang cellphone ko ay umilaw ito dahil sa isang notification

Asuncionadam mentioned you in a story

Malakas ang kutob ko na puros kalokohan ito, Nang buksan ko ito ay mabilis na kumulo ang dugo ko.

Isa itong larawan ko na natutulog at may caption na ‘kung payamanan ang labanan, wala kayo dito, rumenta ng hotel para matulog’

Halos mabilaukan ako sa kakatawa, Ano bang meron sa lalaki’ng to? biglang naging active sa Ig? HAHAHA

Matapos mag-bihis ng isang black two piece ay pinatungan ko ito ng isang manipis na sando at short, nag-suot din ako ng shades at ginawang mess bun ang buhok ko

“Wow, nasa bahay ka?” Inis kong inirapan si Adam ng salubungin niya ako pagka-labas ko ng kwarto. Naka-suot siya ng hawaiian polo na naka-bukas ang buttons at isang black summer short, nag-shades din si gaga

“Kain muna tayo sa baba, Love” inakbay niya sa’ken ang kanang braso bago sinimulang maglakad pababa.

Habang nasa loob ng elevator ay hindi ko mapigilan ang mailang dahil ang ibang kasabay namin dito ay halos kainin na ng buhay si Adam, Well I can’t blame them, I mean look! It’s Adam Asunscion mukhang walking heartbreak.

“Ang cute nung guy…” Napa-lingon ako sa babae’ng nagsalita sa tabi ko, mabilis naman siyang napa-yuko nang makita’ng tinignan ko siya

Sige lang be, I agree cute siya pero akin siya bleh.

Napa-ngiti ako sa sariling naisip, Owemji akin na talaga siya Haha

Mabilis akong napa-irap ng kindatan niya yung babae bago kami bumaba ng elevator.

“Wow harap-harapan?” Biro ko at mahina siyang sinapak sa braso

“Laro tayo, Love” he said in a suggesting tone “Padamihan chicks, G?”

I rolled my eyes “Baka umiyak ka” biro ko.

Tumawa lang siya at iginiya ako sa restaurant ng hotel.

“What do your want?” He asked while looking at the menu

“Salad lang, you know diet” maarte akong ngumiti sa kanya bago kami sabay na tumawa.

“Okay, I’ll take this” hindi ko na siya pinakinggan at inilibot ko na lamang ang paningin ko sa paligid.

The restaurant had a nice ambiance, maaliwalas , maliwanag, nakaka-fresh ng utak.

Umupo kami ni Adam sa bandang dulo ng restaurant kung saan tanaw ang labas dahil sa glass na pader nito.

“Ang ganda dito” mahina kong sambit sa kaharap kong si Adam.

“Next time na dadalhin kita dito, Asawa na kita” ngiti niya dahilan kung bakit namula ang mukha ko.

“Ay, halatang kuripot” biro ko para mapag-takpan ang pagka-ilang pero ngumiti lang siya at hinawakan ang kamay kong naka-patong sa lamesa.

“I love you, Reuzekhia”NôvelDrama.Org owns © this.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.