Arrange To You (Tagalog)

Chapter 10.2



"Anong favorite food niya? Favorite color? Anong tipo niya sa babae? Sagutin mo'ko Celestia! Sagutin mo'ko!" hinawakan ko sa magkabilang balikat si Marissa upang patigilin sa pagyugyog sa balikat ko.

"Calm down. Alright, I'll tell you after work." Ate Alma and Marissa shrieked out except for Laren who became quiet.

"Promise mo yan ah! Walang bawian! How to be you po?"

"Baliw, we're just friends, that's all."

I went to my locker to put my things when I realized that I forgot to bring them! This is the result of not being prepared for this kind of situation. Looks like my first week of working days would be blended by my recklessness. "Hep! Sure ka diyan ah?" paninigurado niyang tanong at tumango naman ako.

Maligaliw na nagtrabaho sila ate Alma at Marissa. They would just shriek out from time to time. Pano nalang kaya kung hindi lang si Clayton ang makikita nila. If Wayde would come here, they would definitely shout in glee. It was a normal day in the bakery. After the preparation, kaagad kong sinimulan ang pagdadala ng mga pandesal sa bread racks. Ang natirang oras ay winili ko sa paggawa ng mga cookies. It wasn't that hard to make because all of the ingredients were already there.

"Woah! Magbabake ka ng cookies, Celestia? Paturo!" I nodded. Tinulungan naman nila akong ihanda ang mga ingredients at sila na mismo ang naghalo ng iba.

I'm sifting the flour and put the right amount of baking soda and salt in one bowl. Kaagad ko namang hinalo ang iba pa at kumuha ng chocolate chips at hinalo iyon. Pagkatapos mahanda ang lahat ay kaagad kong nilagay sa refrigerator ang dough. I'll let it settle for a couple of hours.

"Ganyan siguro ang mga mayayaman 'no? Oi bigyan mo'ko ah!"

"Baking cookies is our bonding time with my father. Oo naman, you can also give your crush if you'd like."

"Hoy! Hoy! Wag mo ko bigyan ng idea at baka kumagat ako hihihi."

"Marissa! Tulungan mo ako dito at mamaya na ang landi ah!" sabay-sabay kaming tumawa nang marinig ang sigaw ni ate Alma. Kamot-kamot ang batok na umalis si Marissa at tumungo kay ate Alma.

***

I stretched out and massaged both of my shoulders. My body is tired from all of the work. Mas dumoble pa ang customer namin ngayon kaysa 'nung isang araw. Kaagad kong kinuha ang dough sa refrigerator and let it chill for several minutes.

"Here, mold this one like the size of a golf ball." Pagtuturo ko kina Laren at Marissa. Kaagad naman nilang sinunod yun at iniligay sa baking pan.Content (C) Nôv/elDra/ma.Org.

"Pwede ba heart shape to? Baka naman may pag-asang sagutin ni crush."

"Naririndi na ako sa'yo, Marissa kaya tigil-tigilan mo na yan," ngiwing saad ni Laren na mukhang punong-puno na sa kapatid.

"Palibhasa kasi yung crush mo, dika pinapansin. Ikaw na kasi mag damoves dun par-" kaagad na pinasakan ng dough ni Laren si Marissa sa bibig kaya napaubo ito bigla. Nahihintakutang kong tinignan si Laren na natawa lang sa hitsura ni Marissa.

I tapped Marissa's back and handed her some water. Pati rin ako ay natatawa sa ginawa ni Laren.

"Ang bastos niyo ah! Ambad niyo talaga sa'kin huhuhu." Umaakto pang umiiyak si Marissa kaya nakatikim ng mahinang batok kay Laren.

"Ang oa mo talaga. Magfocus ka nalang sa mga cookies mo at baka himalang sagutin ka ng mga nagugustuhan mo." Rumolyo ang mga mata ni Marissa at bumusangot ang mukha.

As we wait for the cookies, Marissa really asked for Clayton's favorites. Sinagot ko naman ang mga nalalaman ko and their reaction is just hilarious. Bawat sagot ko sa katanungan nila ate Alma ay may kasamang tili o kilig. "Talaga lang ah? Bet pala ni fafa Clayton ang mahinhin na mga babae. Hindi naman ako mahinhin pero... naniniwala akong wala lang yan kapag pag-ibig na mismo ang tumarget sa'yo."

"Tama ka talaga diyan, Marissa. Kaya meron pa tayong pag-asa," pag-sang ayon naman ni ate Alma sa kanya.

We waited for several minutes before checking the oven to see if the cookies were already baked. Lumulukob ang halimuyak niyon sa boung silid. I wore the safety gloves before opening the oven and got the tray inside. "Ang bango naman niyan, Celestia," puri ni ate Alma at tinignan ang umuusok pa na mga cookies. We let it chill for several minutes before packing it.

Kumuha ako ng isa at tinikman iyon. I smiled when it tasted as what I expected. Matagal-tagal na rin nung nakagawa ako ng cookies.

Nang makalabas kaming lahat ay nasapo ko ang noo nang may marealize. I don't actually have a money to go home! Wala na 'ring Clayton ang maghahatid sa'kin pauwi. I bit my lower lip, contemplating on what to do.

I'm actually shy of asking a favor to Laren or Marissa. But how could you go home if you don't ask for help, Celestia?! Makulimlim na ang kalangitan nang makalabas kami. I was just standing outside, holding the paper bag filled with cookies. Nagdadalawang isip pa ako kung sino ang lalapitan ko.

"Nakikita niyo ba ang nakikita ko?" kinalabit ako ni Marissa kaya agad akong napatingin sa kanya.

Halos lumuwa na ang mata niya sa kakatutok sa isang banda.

"Oh my... anong ginagawa niya rito ngayon?" ate Alma held Marissa's elbow. Sinundan ko ang tinitignan nila. Nanlaki ang mata ko nang mapagtanto kung sino iyon. "It's.. it's... Mr. Patterson." si Laren.

What?! Did I hear Laren right?

I thought he would just pass by us, but what he did made me stunned. With a blank expression, Wayde stood in front of me and flicked his fingers in my forehead.

"I'll be waiting for you at the parking area." He whispered in my ear before walking away. Nanatili akong nakatungo habang pinagmamasdan ang papalayong bulto ni Wayde.

I can feel their strong stares at me. Hinampas ako ni Marissa at nang tignan ko sila, it looks like I owe them an explanation.

"I... actually don't know that he's Mr. Patterson."


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.