Kabanata 78
Kabanata 78
Tinitigang maigi ni Jeremy si Madeline. Tila biglang naglaho ang galit sa mga mata niya.
Lumapit siya kay Madeline. Pagkatapos, hinawi niya ang buhok ni Madeline. Naging mahinahon at
malambing ang tono niya nang magsalita siya. "Sabi mo pinagbubuntis mo ang anak ko bago ka
nakulong. Anong nangyari sa bata?"
Ayos lang sana kung hindi siya nagtanong. Subalit, noong sandaling tinanong niya ito kay Madeline,
tila muling bumuka ang mga sugat sa puso ni Madeline. Nagdurugo ng husto ang kanyang sugatang
puso.
Natatawa siyang tumingin kay Jeremy. "Gaya ng sabi mo, Mr. Whitman. Patay na siya, kaya bakit ka
pa magtatanong? Mabubuhay ba siya kapag nagtanong ka?"
"Madeline, sagutin mo 'ko."
Tumingin si Jeremy kay Madeline na may pekeng ngiti sa kanyang mukha. Para bang pinipilipit ng
husto ang puso ni Madeline.
"Mr. Whitman, ang galing mo talagang magpahirap ng tao." Nang-iinsultong ngumiti si Madeline,
mapula ang mga mata niya at patuloy ang pagtulo ng kanyang mga luha. Hindi na niya maaninag ang
mukha ni Jeremy. "Jeremy, ilang taon na ang dumaan. Matitiis ko yung pagsigaw mo sakin, yung
pananakit mo, o yung galit mo. Pero, alam mo ba yung pinakamasakit sa mga ginawa mo sakin?"
"Binigyan mo 'ko ng pag-asa. Pero, sa huli, ako lang pala yung nag-iisip nun, at buong buhay ko,
binigay ko yung pagmamahal ko sa isang taong kailanman ay hindi ako mamahalin. Ikaw yung
tumatawag sa pangalan ng ibang babae kapag nasa kama tayo. Ikaw rin yung nag-utos na kunin ang
anak natin at sunugin siya."
Pagkatapos niyang sabihin yun, natahimik ang buong paligid.
Dinig na dinig niya ang tibok ng mga puso nila ni Jeremy. Mabagal ang tibok ng kanilang mga puso at
tila hindi nagkakasabay ang mga ito. Kung sabagay, paano nga naman magsasabay ang tibok ng mga
puso nila?
Hinayaan niyang bumuhosbang kanyang mga luha habang inaalala niya ang mga pangako nila sa isa't
isa noong mga bata pa sila. Ngumiti si Madeline at humikbi. "Jeremy, hindi ko itatanggi na may
nararamdaman pa rin ako para sayo. Pero, hindi na pagmamahal ang nararamdaman ko sayo, kundi
galit. Galit ako sayo."
"Jeremy Whitman, ayaw ko na sayo!" ang sabi ni Madeline. Tuluyan nang nasira at nasunog ang mga
alaalang pinanghahawakan niya noon.
Kung may bagay man siya na hindi niya kayang iwan o kalimutan, iyon ay ang pagiging inosente niya
noon. Naniwala siya noong sinabi ni Jeremy na papakasalan niya siya…
Ipinikit ni Madeline ang kanyang mga mata sa sobrang pagod. Napagod siya. Sa sobrang pagod niya
ayaw na niyang magmahal pa.
Natulala si Jeremy habang tinitingnan niya si Madeline. Pakiramdam niya ay tinutusok ng milyon-
milyong karayom ang kanyang puso. Ngayon lang niya naramdaman ang ganito.
Tumalikod siya at humiga sa tabi ni Madeline. Niyakap niya si Madeline, subalit para bang hindi niya
mabigyan ng init si Madeline kahit na magkadikit ang kanilang mga balat.
Noong makakatulog na si Madeline, narinig niya ang bulong ni Jeremy. "Madeline, huwag mo nang
lokohin ang sarili mo. Mahal mo pa rin ako."
Mahal pa nga ba niya si Jeremy?
Tinanong ni Madeline ang kanyang sarili at nakatulog siya sa sobrang pagod. Napanaginipan niya ang
kanyang kabataan.
Ang beach, mga kabibe, at ang lalaking nakilala niya noon.
Subalit, ang magandang alaalang ito ay naging isang malalim na sugat na hindi naghihilom. Hindi na
ito gagaling o maghihilom pa.
Kinabukasan, nagising ng maaga si Madeline.
Naalala niya ang nangyari kagabi at hindi niya mapigilan ang sama ng loob niya. Subalit, pagkatapos
nito, pakiramdam niya ay napakahina niya.
Tinanong siya ng taong bumugbog at nanakit sa kanya tungkol sa kanyang anak.
Bumangon si Madeline at naligo. Naglagay siya ng makeup para itago ang bakas ng pagod sa
kanyang mukha.
Inisip niya na matagal nang napalitan ng mga gamit ni Meredith ang mga damit at iba pang gamit dito. All rights © NôvelDrama.Org.
Subalit, natuklasan ni Madeline na walang nagbago sa laman ng kabinet. Maayos pa ring nakasabit
ang mga damit niya sa loob nito.
Natulala siya saglit. Pagkatapos, kumuha siya ng ilang damit at nagbihis bago siya bumaba.
Pagbaba niya, nakita niya si Jeremy sa sala.
"Gising ka na pala." Walang emosyon ang kanyang boses.
Ngumiti si Madeline. "Akala mo ba habambuhay na akong matutulog, Mr. Whitman?"
Clank! Nakita ni Madeline na ibinato ni Jeremy ang kanyang kutsara.
Nagalit nanaman ba si Jeremy sa kanya?