Kabanata 67
Kabanata 67
'Talaga?'
'Kay Meredith ka lang nangako sa buong buhay mo?
'Kung ganon, ang mga sinabi mo noon ay walang kahulugan? At isa lamang akong tanawin na
dinaanan mo sa buhay mo na di karapat-dapat ka maalala.'
Hehe.
Pumikit si Madeline. Hindi niya matukoy kung luha o ulan ba ang dahilan ng pagkabasa ng mata niya.
Bago siya magkaroon ng lakas na tumayo, dinala silang dalawa ni Tanner sa kotse ng pulis.
Sa loob ng 48 oras sa detention, hindi makatakas si Madeline sa muling pagkakabugbog.
Subalit manhid na siya sa lahat ng ito. Sa sobrang manhid niya ay hindi na siya nasaktan nang
magsimula siyang sumuka ng dugo.
Luha lamang ang walang-humpay na lumabas sa kanyang mga mata. Napaso ng mga luha ang
kanyang puso, nanlabo ang kanyang paningin at nalunod ang puso niya.
Gumapang si Madeline at pumunta sa rehas. Pinagsisipa at pinagsusuntok siya sa kanyang likod.
Nang tignan niya ang sikat ng araw sa labas, nagdadalamhati siyang ngumiti.
Habang siya ay nabubuhay sa mundong ginawa niya para sa sarili niya sa loob ng maraming taon,
kinalimutan na siya ng lalaking iyon.
Napakaraming taon na ang nakalipas at lumalabas na siya lamang ang nahumaling.
Gumugol si Daniel ng oras at tiyaga para makakuha ng sapat na lakas at ebidensya para mapalaya si
Madeline.
Dinala niya si Madeline kay Adam para magpasuri. Nang makuha ni Adam ang resulta, nanlumo siya.
Napipigilan ng gamot ang paglaki ng tumor ngunit bigla itong lumubha.
Hindi niya alam kung ano ang dinanas ni Madeline sa sandaling ito na nagdulot ng paglala nito.
Nagreseta siya ng painkillers para kay Madeline, pagkatapos ay nagsimulang makipag-usap sa ibang
mga eksperto patungkol sa kaagad na pagkakaopera kay Madeline. Owned by NôvelDrama.Org.
…
Nang pumunta si Jeremy sa estasyon para hanapin si Madeline, sinabihan siya na napyansahan na ng
ibang tao si Madeline.
Nanggigil siya. Nakita niya ang bahay ni Madeline at hinablot ang babaeng magpapahinga pa lang
matapos bumalik galing ng ospital.
"Napakadaming kasamaan na ang nagawa mo at nakakatulog ka pa rin nang mahimbing?"
Pumipintig sa sakit ang ulo ni Madeline. Nang tignan niya ang galit nitong mukha, ngumiti siya.
"Eh ano palang gusto mo Mr. Whitman? Gusto mo bang kumuha ng marami pang tao para bugbugin
ako o pabibilisin mo na lang ito ay papatayin mo na ako ngayon?"
Makikita na hindi natutuwa si Jeremy sa inaasal ni Madeline. Hinila niya ito paangat. "Nananaginip ka
siguro kung tingin mo mamamatay ka nang ganoon kadali."
Nagising ng mga salita nito ang magulong pag-iisip ni Madeline.
Nakita niya ang pagkakabakaba at pagkawalang-bahala na hindi pa niya nakita noon sa mga mata ni
Jeremy.
Muling pumasok ang nakakakilabot na lamig sa katawan ni Madeline.
Nagpumiglas siya sa takot. "Jeremy, ano pa bang binabalak mong gawin? Magiging masaya ka lang ba
pag namatay ako?"
"Pabor lamang sa iyo yun kung mamamatay ka. Madeline, gusto kong mabuhay ka nang mas malubha
pa sa kamatayan."
Hindi alam ni Madeline kung ano pang mga paraan ang mayroon si Jeremy na nakahanda para sa
kanya. Gusto niyang tumakas sa pagkakahawak nito, subalit napakalakas nito. Madali siyang hinila
siya nito palabas ng bahay.
Hindi ito gumamit gaano ng pwersa para kaladkarin si Madeline papunta sa kotse bago siya itulak
papasok. Pagkatapos, inutusan niya ang driver na magsimulang magmaneho.
Andaming oras ang ginugol ni Madeline para pakalmahin ang sarili niya, ngunit ngayon ay nasa bingit
na naman siya ng pagbagsak.
"Jeremy, wala akong sinaktan na kahit sino. Si Meredith ang laging nagbibintang sa akin. Bakit di mo
siya paimbestigahan? Napakatalino mong tao, kaya bakit ka nagpapaloko kay Meredith?"
Tila ba naantig si Jeremy ng mga luha ni Madeline nang bahagya itong mag-alinlangan.