Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman

Kabanata 65



Kabanata 65

Sinabi ng lalaki ang kinaroroonan niya bago niya ibinaba ang tawag.

Agad na tinawagan ni Madeline si Jeremy, pero naisip niya na malamang ay blinock ni Jeremy ang

number niya.

Pagkatapos, tiningnan niya ang blankong contact list niya. Ang tanging number na pwede niyang

tawagan ay ang kay Old Master Whitman.

Subalit, pagkatapos niyang mag-isip-isip, hindi na tinawagan ni Madeline si Old Master Whitman.

Tumatakbo ang oras, at wala na ring ibang pagpipilian si Madeline. Tumawag siya ng taxi at binigay

ang address sa driver.

Mukhang mabait ang driver. Noong makita niyang namumutla at may iniindang sakit si Madeline,

binalak niyang dalhin sa ospital si Madeline. Pagkatapos siyang pasalamatan at tanggihan ni Madeline,

nagpatuloy sila sa kanilang destinasyon.

Pagkalipas ng kalahating oras, nakarating si Madeline sa lokasyon na binigay ng lalaki sa kanya.

Ito ay isang liblib na lugar na pinaliligiran ng mga bundok at anyong tubig. Maraming puno na naninilaw

na ang mga dahon sa paligid nito.

Umihip ang malamig na hangin. Nanuot sa kanyang katawan ang matinding lamig.

Nanginig si Madeline, hindi pa rin nawawala ang pananakit ng tumor na nasa kanyang tiyan.

Subalit, nang maisip niya ang kaligtasan ni Jackson, tiniis niya ito at nagpatuloy.

Sinundan niya ang daanang gawa sa graba at naglakad ng halos 100 metro hanggang marating niya

ang isang bahay.

Noong malapit na siya sa bahay, nadulas siya at nadapa.

Nahiwa ng mga bato ang kanyang mga palad. Inalis niya ang batong bumaon sa palad niya at pinilit na

tumayo.

Hindi maikukumpara ang mga sugat na yun sa tindi ng sakit ng kanyang tumor. Dagdag pa dito, hindi

maikukumpara ang lahat ng ito sa matatalim na titig at pagbabanta ni Jeremy.

Kinaladkad ni Madeline ang pagod at basang katawan niya hanggang marating niya ang bahay.

Sinubukan niyang buksan ang pinto, ngunit nakakandado ito.

Kakatok na sana siya nang biglang may nagbukas ng pinto. Nagulat siya sa mukhang sumalubong sa

kanya.

Nakita niya si Tanner.

Noong makita niya si Madeline, hinila niya ito papasok ng bahay.

Nabigla si Madeline. Bago pa man siya makatayo, narinig niya ang nakakapangilabot na boses ni

Tanner.

"Maddie, namiss kita!" ang sabi niya at nagtangkang yakapin si Madeline.

Tiniis ni Madeline ang pananakit ng kanyang katawan at ibinuhos niya ang lahat ng lakas niya para

itulak si Tanner.

"Nasaan si Jackson?" nagtanong siya habang tinitingnan ang paligid.

Nagkibit-balikat si Tanner at ngumiti. "Bakit ka nagmamadali na makita yung bata na yun, baby?

Matagal tayong hindi nagkita. Ngayong magkasama na tayo ulit, magsaya naman tayo." Ang sabi ni

Tanner sabay damba kay Madeline.

Napagod ng husto si Madeline sa pagpunta niya dito. Wala na siyang lakas para itulak palayo si

Tanner. Dahil dito, madali siyang naihiga ni Tanner sa mesa.

Diniinan ni Tanner si Madeline gamit ng kanyang mga binti. Pagkatapos, pinunit niya ang mga damit ni

Madeline.

"Bitiwan mo 'ko! Hayop ka Tanner! Bitiwan mo 'ko!"

Blag! Sinampal ni Tanner ang pagmumukha ni Madeline. "Bakit ka sumisigaw, Madeline? Hindi naman

ito ang unang beses na ginawa natin 'to ah. Bakit ka nagpapanggap na inosente? Gagawin mo naman

'to sa kahit sino basta bayaran ka nila."

Pagkatapos niyang sampalin si Madeline, iniwas ni Madeline ang kanyang mukha at makikita ang dugo

sa gilid ng kanyang mga labi. Subalit, nagpumiglas pa rin siya. "Kalokohan! Walang nangyari satin.

Bakit mo ba ako sinisiraan?"

"Sinisiraan? Ikaw yung naninira sa kapatid mong si Meredith!"

Nagulantang si Madeline nang sabihin yun ni Tanner.

"Madeline, hindi ko inasahan na ganito ka pa rin kasama pagkatapos mong makulong ng tatlong taon.

Tinawagan mo ako agad pagkalabas mo sa kulungan para kidnapin yung anak ni Meredith at huthutan

siya ng pera. Tapos ngayon sasabihin mo na si Meredith ang naninira sayo?! Ang sama mo talaga! Text content © NôvelDrama.Org.

Ngayon, makikita ko kung gaano kaitim ang budhi mo!"


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.