Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman

Kabanata 62



Kabanata 62

Mabigat ang pakiramdam ni Madeline. Pagkatapos siyang alugin ni Meredith, lalo siyang nahilo.

"Maddie, bakit ba napakasama mo? Wala akong pakialam kung galit ka sakin, pero inosente ang anak

ko. Paano mo nagawa 'to kay Jack?"

Parang pamilyar ang pangyayaring ito.

Hindi nakalimutan ni Madeline na muntik na rin niyang sabihin ang mga salitang ito kay Meredith.

Subalit, ano bang nangyayari?

Anong sinasabi ni Meredith?

"Maddie, sabahin mo sakin, saan mo tinago si Jack? Sabihin mo!"

Habang naguguluhan si Madeline, muli siyang sinigawan at tinanong ni Meredith.

"Si Jack?" Naalala ni Madeline ang nangyari bago siya makatulog. Pagkatapos, tiningnan niya kung

nasaan na siya. Nasa bahay niya siya.

Dadalhin niya sana sa Whitman Manor si Jackson kanina. Bakit nandito na siya ngayon?

Nanlamig ang pakiramdam ni Madeline. Kinilabutan siya. Hindi niya maisip kung ano ang nangyari.

"Madeline, hindi ko inasahan na gagawin mo talaga yung sinabi mo." Ang sabi ng isang

nakapangingilabot na boses na nagmula sa itaas.

Tumingala siya at nakita niya ang gwapo ngunit malamig na mukha ni Jeremy.

May laman ang mga sinabi ni Jeremy, at naguluhan si Madeline dahil dito. Subalit, muling

umalingawngaw ang pag-iyak ni Meredith.

"Maddie, nagmamakaawa ako sayo. Wala na 'kong hihilingin pa. Ang gusto ko lang, ibalik mo sakin si

Jack! Papakiusapan ko si Jeremy na maging mabait sayo basta ibalik mo lang si Jack." Hinawakan ni

Meredith si Madeline at nagmakaawa.

Tumingin si Madeline kay Jeremy at ipinaliwanag niya ang nangyari. "Nakita ko si Jack nung pumunta

ako sa Cypress Road at napansin ko na naliligaw siya, kaya sinubukan ko siyang iuwi sa Whitman

Manor…"

"Maddie, bakit ka nagsisinungaling? Pinanood namin ni Jeremy yung security footage. Hindi siya

nawawala. Ikaw yung kumuha sa kanya! Sabihin mo sakin, nasaan siya?" humiyaw ng malakas si

Meredith.

Nakaramdam ng matinding takot at pangamba si Madeline. Pinakalma niya ang kanyang sarili.

Tumingin siya kay Jeremy. "Tutal napanood niyo naman yung footage, sigurado akong alam niyo na

balak kong dalhin sa Whitman Manor si Jack, kaso…"

Pagkatapos, nakaramdam diya ng antok at nakatulog.

Nagulantang si Madeline. Bigla siyang may naalala. "Yung driver! Kahina-hinala yung driver! Siya yung

kumuha kay Jack!"

"Hmph." suminghal si Jeremy. Tiningnan niya ng masama si Madeline, dahilan para manginig ito sa

takot.

"Jeremy, hindi ko tinago yung anak mo. Hinding-hindi ko siya sasaktan!" matapang na tumingin si

Madeline sa mga mata ni Jeremy.

"Madeline, magpapanggap ka pa rin ba? Nakalimutan mo na ba yung sinabi mo kay Mer sa harap ko

mismo? Sinabi mo na mag-ingat siya dahil bukod sa papatayin mo siya, sasaktan mo din si Jack.

Makikipagtalo ka pa rin ba?"

Kinilabutan si Madeline. Agad siyang nilamon ng takot at pangamba.

Tama, sinabi niya nga yun, pero sinabi niya lang yun para inisin si Meredith.

Paano niya magagawa ang ganung klaseng bagay?

"Maddie! Alang-alang sa pagiging magkapatid natin, nagmamakaawa ako sayo!" biglang lumuhod si

Meredith.

Niyakap ni Jeremy si Meredith, tiningnan niya ng masama si Madeline. "Bibigyan kita ng isa pang

minuto para mag-isip. Kapag hindi mo sinabi kung nasaan si Jack, ibabalik kita sa kulungan."

Nakaramdam ng matinding kilabot si Madeline. Puno ng takot ang kanyang mga mata.

Hindi pa rin niya makalimutan ang mga araw na nakakulong siya, kung paano siya binugbog at

pinahirapan, at ang sakit na kanyang naramdaman. C0pyright © 2024 Nôv)(elDrama.Org.

Muntik na siyang magpakamatay dahil sa mga naranasan niya.

Hindi siya pwedeng mamatay!

Subalit, kasabay nito, ayaw niyang bumalik sa mala-impyernong lugar na iyon.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.